Pagkahiwalay naman namin sa yakap ay tinitigan niya ako "Bakit hindi ka agad nagsabi na bibisita ka edi sana nakapaghanda sina Tesia sa pagdating mo," sabi pa nito bago humiwalay sa yakap namin "Ayos lang po mommy, I am planning to surprise you rin po talaga," nakangiti kong sabi bago lumapit kay daddy atsaka nagmano. Nakangiting tinignan naman niya ako "It's been a long time and I can see that you've already turned well enough on your own, you've grown" sabi nito "Thank you dad," nakangiting sabi ko saka kinuha ang kape nila at nilapag sa lamesa nila "Bakit ikaw ang naghatid nito? It's not your job to do this, besides a supermodel shouldn't be delivering coffee to anyone," natatawang tukso saakin ni mommy, wala parin talaga siyang pinagbago "Wala parin naman pong pinagbago s

