Papunta kami ngayon ni Simon ng Italy para bisitahin ang art gallery ni Rietta doon dahil 1st anniversary nun ngayon at marami siyang dinisplay na paintings at ang iba ay i a-auction niya Ilang oras lang ang naging byahe ay nakarating narin kami agad at dumiretso na sa kinaroroonan niya. "Rietta!!" agad naman siyang lumingon saakin saka nag-excuse sa kausap niya at nilapitan ako "Lore! I miss you so much!!" sabi niya saka ako niyakap ng mahigpit "Hey Reitts!" napalingon naman siya kay Simon saka siya lumapit dito at niyakap din siya "Hey Si!" masigla niyang bati pabalik Nagpaalam din muna si Simon na maglilibot muna siya sa buong lugar kaya sinamahan ko muna si Rietta na i entertain ang mga tao na nandito. "This is so great Princess Rietta," komento ng isa sa business woman na n

