Vladimir THIS is a rare occasion where I could feel fear and nervousness. Not when I was in a life-threatening situation or anything but confessing to my son that I am his father. I have been waiting for this. Siguro nagkaroon lang ng mahabang delay dahil alam ko na hindi pa rin handa si Aleksandr. Marami siyang maaaring tanong. Siguro rin, hindi pa ako handa sa mga tanong na iyon. But now, buo na ang loob ko. Nanatili akong nakatingin kay Aleksandr. Hinahanda ko na rin ang aking sarili sa kung anong unang sasabihin niya sa akin matapos kong sabihin sa kanya ang totoo. “Why?” tanong ni Aleksandr. Sa lahat ng mga salitang sasabihin niya o ibabato sa akin, ito siguro iyong hindi ko inaasahan. Magaan na ang loob ko kay Aleksandr una pa lang, mas kinuha ko lamang ang loob niya nang malam

