KABANATA 3: IGNORE

2234 Words
Valentina PANAY ang pagpapakawala ko nang mararahas na paghinga habang nakaupo ako sa isang silya at tinitingnan ang baso ng juice na in-order ko. I am waiting for a friend. Ilang araw na simula nang huling pagkikita namin ni Vladimir. Bumalik siya sa unit niya matapos kong makita ang flight details niya. “Uhm…” sabi ko at ipinakita ang hawak ko. “Hinahanap mo ba ‘to?” Malakas ang pakiramdam ko na iyon ang binalikan niya. Gusto ko siyang tanungin tungkol sa pagpunta niya sa Valencia pero hindi ko magawa. Natatakot ako sa isasagot niya. Alam na alam ko kung anong agreement ang mayroon kami at kung totoo ngang nagkikita sila ni Aneesa Rossetti sa Valencia, Spain…that’s none of my business. Nilunok ko ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Tinangka kong alisin ang bigat ng dibdib na mayroon ako. Kinuha ni Vladimir sa akin ang envelope. “Mawawala ako ng ilang araw. I’ll be back, probably next week.” Hindi na ako nagsalita at nanatili lang na nakatingin sa kanya. Umalis siya matapos iyon. Pagkatapos sa akin ay tutungo siya papunta sa babaeng mahal niya. Napakapit ako sa aking dibdib dahil sa matinding sakit na nararamdaman nito. Hindi ko alam kung bakit wala pa silang relasyon ni Aneesa ganoong mukha namang malalim ang pinagsamahan nila. Bata pa lang ay alam ko naman na gustong-gusto na siya ni Vladimir. Nakakapagtaka na hanggang ngayon ay wala pa silang relasyon. Lalong bumigat ang nararamdaman ko sa naisip. Kapag nagkaroon sila ng relasyon, it’s game over for me and Vladimir. Usapan namin na kapag pumasok na ang isa sa amin sa seryosong relasyon, ititigil na namin ito. Siguro dahil ayaw niyang mag-cheat sa partner niya. Alam kong talo ako. Hindi ako naghahanap ng magiging boyfriend ko. Kaya nga ako pumayag sa ganitong setup namin ni Vladimir dahil…siya ang gusto kong makasama. I have a fair share of exes naman, but…they all didn’t work. Nag-try lang ako noon para malaman kung makakalimutan ko ba si Vladimir pero…wala talaga. Muli akong napabuntong-hininga matapos kong alalahanin ang nangyaring iyon. “Masyadong malalim ang buntong-hininga mo, ah?” Nagtaas ako ng tingin sa kanya. “Let me guess, dahil na naman iyan sa f**k buddy mo?” Nakita ko ang nag-iisa at matalik kong kaibigan dito sa Pilipinas na si Ayla. Naging magkaibigan kami nang dito ko ipagpatuloy ang pag-aaral ko sa Pilipinas. Alam niya ang tungkol sa pagkakagusto ko kay Vladimir at kung anong pinasok kong kagagahan. “Hello, friend! Na-miss kita.” Lumapit siya sa akin at hinalikan niya ang pisngi ko. Naupo siya sa tapat na silya ng kinauupuan ko. We ordered food, and while waiting ay nag-usap na kaming dalawa. “So?” tanong niya. “Bakit naabutan kitang bumubuntong-hininga riyan? Dahil ba iyan sa…” Tumikhim siya at klinaro ang lalamunan niya. “Kay Vladimir.” Inirapan ko si Ayla pero alam ko rin naman na tama siya. Kung may number 1 hater man si Vladimir, si Ayla na siguro iyon. “Ano na namang ginawa niya at ano na namang katangahan ang mayroon ka ngayon? Sige, makikinig ako.” I sneered at her. Kahit ganoon, na-appreciate ko ang pagiging prangka niya. Sobrang bokal niya sa pagkaayaw kay Vladimir simula nang sabihin ko sa kanya na may f**k buddy setup kami. “Nagkita kami noong nakaraan…” For some reason, ayokong sabihin kay Ayla. Nahihirapan ako dahil ayokong may-mag-confirm na tama ang iniisip ko. “Tapos? Please skip what you did. Ayokong marinig.” Umarte pa siyang tinatakpan ang kanyang tainga. Inirapan ko ulit siya bago magpatuloy. “Nakita ko siya na may plane ticket papunta ng Valencia, Spain.” Tumaas ang kilay ni Ayla sa akin. “Ano naman ngayon? He was probably going there for work. Ikaw lang ang kilala kong no string attached na overthinker—” “Aneesa Rossetti is in Valencia.” Natigilan siya at hindi na naituloy ang sinasabi. Napakurap-kurap si Ayla sa akin. “Okay…” Napalunok siya. “Sino nga pala ulit si Aneesa? Para lang ma-confirm ko at hindi mali ang iniisip ko.” Kagaya ng sinabi ko, alam ni Ayla ang tungkol sa pagkakagusto ko kay Vladimir at alam niya rin na si Aneesa ang gusto ni Vladmir. That was why, she was against about my and Vladimir’s arrangement. Alam niyang masasaktan ako. “Iyong babaeng gusto ni Vladimir.” Tumaas ang kilay niya. Inaasahan ko nang pagagalitan niya ako kaya inihanda ko na rin ang sarili sa lecture niya. “Ohh…” Sa rami ng inaasahan ko na sasabihin niya, ito ang hindi ko inaasahan. “Wala kang sasabihin?” She rolled her eyes. “Ano bang gusto mong sabihin ko sa ‘yo? Kahit naman i-real talk kita, hindi ka naman matatauhan. Sobrang gaga mo pagdating sa lalaking ‘yan.” Huminga nang malalim si Ayla and her eyes are now filled with worry. “Val, nag-aalala lang ako sa ‘yo, okay? Naiintindihan kita na mahal mo iyong tao na ‘yan. Naandiyan na tayo na masaya ka kapag kasama mo siya. Pero paano kapag dumating ang oras na iwan ka na niya? Paano kapag naandiyan lang siya ngayon sa tabi mo dahil may hinihintay siya at kapag dumating na iyong hinihintay niya ay iwan ka na niya? Wala kayo label. Hell, he can walk away like you don’t mean to him. Ayoko lang sa huli ay masaktan ka.” Natahimik ako sa sinabi niya. Huminga nang malalim ulit si Ayla. “Wala na ngang pagmamahal sa bahay ninyo, wala pa ring pagmamahal sa lalaking mahal mo. Ayokong sa huli, ikaw ang mawasak nang sobra.” Gustong-gusto kong magising sa sinabi ni Ayla. Mabilis sabihin na tama siya at dapat ay unahan ko na si Vladimir at umalis na ako sa buhay niya habang maaga pa. But every time I tried, hindi ako nagtatagumpay. “Kaya kung saan ka masaya, susuportahan na lang kita. Kahit ang tanga mo na, friend.” Sinimangutan ko siya pero tinawanan niya lang ako. Sa huli, kahit papaano ay napangiti ako sa kanya. Unlike the beliefs of other people, hindi naman sobrang sama ng ugali ko. It’s just that, hindi ako friendly na tao at hindi ako nakikipag-usap sa mga taong hindi ko naman kilala. Kapag naman nakilala mo na ako, ibang-iba talaga ako. “Susubukan ko.” Matapos ang ilang sandaling katahimikan, bigla akong nagsalita. Napataas ng tingin si Ayla sa akin, halatang naguguluhan sa sinabi ko. “Susubukan ko na iwasan siya.” Hindi ko maipaliwanag kung gusto bang ngumiti ni Ayla o hindi. Sa huli ay mas pinili niyang umirap. “Hay nako! Hindi na ako magsasalita muna. Baka ma-jinx at hindi na naman matuloy. Basta susuportahan na lang kita.” Itinaas niya ang baso ng juice niya. “Cheers sa pagiging tanga mo, Valentina!” Halos batuhin ko siya dahil sa sinabi niya. Itinaas ko rin ang baso ko at marahan naming pinaglapit iyon. Sana magawa kong layuan siya. Nalaman ko na nakabalik na ng bansa si Vladimir. Sa mga nagdaang araw simula nang makausap ko ang kaibigan ko, iniiwasan ko talaga na makakalap ng kahit anong balita tungkol kay Vladimir. So far, nagagawa ko naman. Not until si Papa na ang magsabi na bumalik na si Vladimir mula sa ibang bansa. Naninikip ang dibdib ko sa tuwing iniisip ko na nagkita sila ni Aneesa sa Spain. Ganoon man, kinakausap ko rin ang sarili na wala akong karapatan. Ginusto ko ito, lasapin ko ang sakit na dulot ng pagpayag kong magpagamit kay Vladimir para makasama lang siya. Sa mga nagdaang araw na wala naman si Vladimir, nag-chat siya sa akin sa isang social media app. Ganoon man, I didn’t reply to him and deactivated my account. Masyado akong nate-tempt na kausapin siya kaya mas pinili ko na mag-deactivate na lang muna ng accounts ko. “May meeting kami mamaya sa Bratva. Are you coming, Valentina?” Nagulat ako sa itinanong ni Papa sa akin. Madalas kasi ay ako ang nangungulit na sasama sa kanya noon para lang makasulyap kahit papaano kay Vladimir. Gustong-gusto kong sumagot ng oo, pero naaalala ko ang usapan namin ng sarili ko na subukang layuan siya. Ikinuyom ko ang aking kamay at pinigilan ang sarili na maging mahina nang mga oras na iyon. “No, Papa. I have things to do,” sabi ko sa kanya. Hirap na hirap akong sabihin ang mga salitang iyon pero nagawa ko naman. “Okay. Nakakapanibago lang na hindi ka sasama ngayon.” Hindi na ako nagsalita pa at hinayaan na lamang iyon. Gusto ko mang sumama, kailangan kong magpigil ngayon. Umalis si Papa at gusto ko siyang habulin para sabihin na sasama ako. Ilang araw ko rin na hindi nakikita si Vladimir and I badly want to see him, even just a glimpse. Mahina kong sinampal ang sarili upang matigil sa pag-iilusyon ko. Pumasok na lang ako sa kuwarto ko. I opened my laptop at may mga gawain akong tinapos. May ilang investment at maliit na business ako. Ayoko rin kasing umasa sa pera ng pamilya ko. May businesses ang pamilya ko pero alam ko naman na hindi iyon ipapamana ni Papa sa akin. Hindi niya hahayaan na isa ako sa mag-manage nito. My father is a misogynist. Hindi ko naman iyan itatanggi. Naisipan ko rin na makalikom ng sariling pera dahil balang araw, aalis ako sa poder ng aking ama at mamumuhay ng tahimik sa malayo. Kakawala ako sa tadhanang nakatali sa akin dahil ipinanganak ako sa pamilyang ito. Habang abala sa aking ginagawa ay umilaw ang cellphone ko. Hindi ko sana iyon papansinin nang mapansin ko na sunod-sunod ang pagpapadala ng mensahe ng kung sino mang nagte-text. Iritado kong kinuha ang cellphone ko pero agad ding naglaho ang inis nang makita kung sinong sender. Vladimir. He has three text messages for me. Binasa ko ang lahat ng iyon. Vladimir: You didn’t come with your father? Valentina, I am asking you a question. Ang huling mensahe niya ang nagpakabog nang malakas sa dibdib ko. Vladimir: Ignoring me now, huh? I would love to f**k that attitude out of you. You know I don’t like being ignored. Sa hindi malamang dahilan ay kinabahan ako. Bumigat ang aking naging paghinga. Magtitipa na sana ako ng reply nang maalala ko ang naging kasunduan ko sa sarili. Inisip ko na lang na magkasama sina Vladimir at Aneesa sa Spain at nang maramdaman ko ang sakit ay nagdesisyon ko na huwag na siyang reply-an. “Hindi ka magpapakamarupok ngayon, Valentina.” Nang makondisyon ko ulit ang sarili ko ay bumalik na ang atensyon ko sa laptop ko. Natigil lamang ako sa ginagawa nang parang may malaking kaguluhan sa labas. Kumunot ang noo ko at nagdesisyon na lumabas ng kuwarto. Sinilip ko kung anong nangyayari sa unang palapag at napahugot ako nang malalim na paghinga nang makita ko na ang daming tao at halatang nagkakagulo ang mga kasambahay namin. Habang nakasilip ako ay nakita ko ang kapatid ko na pababa ng hagdanan. “Inessa,” pagtawag ko rito. Tumingin sa akin si Inessa at nagtataka. “What?” Halatang nagmamadali. “Anong nangyayari at parang nagkakagulo ang lahat?” tanong ko. “Papa called. Dito raw gaganapin ang meeting ng Bratva.” Hindi kaagad iyon nag-sink in sa akin. Napakurap-kurap ako at nang mapagtanto ang sinabi ng kapatid ko ay wala na siya at nasa unang palapag na. Anong ibig niyang sabihin na dito magaganap ang meeting ng Bratva? Usually kasi ay sa bahay ng Pakhan iyon nagaganap. Nakakapagtaka na napili rito sa bahay namin. Bumaba ako ng hagdanan at nilapitan si Inessa. She’s giving instructions sa mga kasambahay para maayos ang dining area para sa magaganap na meeting. “Bakit dito gaganapin? Hindi ba at umalis na sina Papa kanina para pumunta sa bahay ni Vladimir—Pakhan?” “Hindi ko alam. Papa just called me, giving instructions. Kahit ako ay nagulat. But this is also an honor. Kailangan nating maghanda!” Tumingin si Inessa sa akin. “Kung wala kang itutulong, Valentina, huwag mo akong istorbohin.” Nilagpasan ako ni Inessa. Halatang natataranta na siya sa dami ng kailangang gawin. Tumulong naman ako. Kapag nalaman ni Papa na wala akong ginawa ay pagagalitan ako nito. Huminga ako nang malalim at ginawa kung anong maaari kong maitulong. Makalipas ang ilang sandali, nakapaghanda na rin ako. Sinabi ni Inessa na mag-ayos ako at magmukhang presentable para naman sa pagsalubong sa mga miyembro ng Bratva. Gusto ko man sana na magkulong na lang sa aking kuwarto dahil ayoko munang magpakita kay Vladimir ay wala akong nagawa. Baka magtaka pa sila kung bakit ako umiiwas. Nakatayo na kami sa may front door at hinihintay na lamang ang pagpadating nila. When they arrived, we greeted them. Nakita ko ang pagtango ni Papa na akala mo ay masaya siya sa kinalabasan ng preparation, even in a short notice. “Welcome to our humble home, Pakhan,” pagbati ni Papa. Nakayuko ako at tinititigan ko ang aking sapatos. Pinipigilan ko na magtaas ng tingin sa kanya dahil baka gumunaw ang mga ginawa kong desisyon. Ganoon man, nararamdaman ko na may nakatitig sa akin. Para siguraduhin kung may nakatingin nga sa akin, nagtaas ako ng tingin. Agad akong nagsisi dahil ang unang bumati sa akin ay ang madilim at nakakakilabot na mga mata ni Vladimir na diretsong nakatingin sa akin. Napalagok ako at nagharumentado na naman ang aking puso. Shit!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD