Menrui’s Point of View Umaga pa lang no’ng makaalis ang iba pang gods and goddesses na kasama namin ay agad kaming umalis din agad, matapos naming masiguro na walang kahit sino man ang makahahanap sa pinagtataguan namin. Sinigurado ko rin na makakaya nila ang kanilang sarili sa oras na wala ang mga god at goddess doon. Kahit kasi gustuhin namin na iwanan si Hemera, o ‘di kaya naman ‘yong dalawa na sina Fawn at Helios, alam namin na ‘di maaari ‘yon dahil alam namin na gusto rin ng mga ito na makita ang mga ruler na kanilang pinagsilbihan bago sinakop ni Erebus ang kanilang kingdom. Right now, I was with Hemera and Celeste who were just silently walking on my side. Wala silang imik kaya naman minabuti ko na rin ang hindi na magsalita pa. Hindi agad kami nakaalis, hindi kagaya nina Elysiu

