FILIPINAS NAGULAT ako ng bigla na lang bumungad sa akin/ sa amin ang mga magagandang tao mula sa sala ng bahay ni Teo. Mas tumaas pa ang pagkamangha ko ng sabay-sabay nila akong batiin, dahil para bang naramdaman ko sa paraan ng pagbati nila sa akin na welcome na welcome ako sa pamilya nila agad. Imbis na mahiya ako ay hindi ko yun na dama, dahil Tita Inas ang tawag nila sa akin. Tila ba parang may kung ano na humaplos na mainit sa puso ko na ang sarap damhin. Parang mas magaan pa silang kasama kaysa sa kapatid ko. Iniisip ko nga rin kung uuwi rin ba ako ngayong araw o hindi na muna. Nababahala kasi ako na baka may mga nag-aabang pa rin sa akin sa bawat sulok ng barangay namin o baka sa mismong harapan pa ng bahay namin. Hindi na talaga nagawang naisip ng Ate ko na baka mapahamak ako sa

