Luna's POV.
Bumaba ako ng stage dahil nauuhaw na ko at may ilang minuto ako para mag break. Nagdiretso ako sa gilid at uminom ng bottled water.
Anong oras ba to matatapos hays!
Sabi ko na nga ba dapat di ako pumayag na mag host.
Ang dami dami ko pang design na kailang tapusin at i finalize.
Hinanap ng paningin ko si Dmitri. My sister's boyfriend. Napangiti ako ng matanaw ko ito, kasama ang father nya at may mga kasama din sila sa table.
Ugh wala pa pala si Akira.
I don't know what happened, pero maraming pangyayari ang hindi ko maaalala. I am a filipino and I don't understand kung bakit kami napadpad dito sa Italya.
Pero masaya ako that we met Dmitri, he's a great guy, he saved us from that ugh I don't even wanna remember it.
It sends shiver through out my whole system.
"Luna" nagulat ako ng may lumapit saking lalaki. Hindi ko mawari kung anong dahilan pero bumilis ng sobra ang t***k ng puso ko it feels like I am longing for him.
Damn I must be tired, ni hindi ko nga kilala itong lalaking to.
Tinaasan ko sya ng kilay kahit na gwapong gwapo ako sa lalaking to pwede syang model. Matangkad, mestizo, may dimples, red lips, magandang mata at good body figure.
"Do I know you?" tanong ko dito.
"Wife, seryoso ba to? Hindi ka din ba makaalala?" he said.
Mas tumaas ang kilay ko. Anong pinagsasabi nya?
"What did you call me? Anong din?" naguguluhan kong sagot.
He sighed.
"Ako to si Cloud-"
"Cloud? Ouch" napahawak ako sa ulo ko dahil bigla akong nahilo.
"Are you okay?" nag aalala nyang tanong.
Tiningnan ko sya sa mata. Creepy feelings, hindi ko sya kilala.
"Sorry pero I don't know you Cloud, naging customer ba kita, I am not good at remembering people"
"Asawa mo ko" seryoso nyang sabi na nagpakabog sa puso ko.
"Asawa?" napataas ang kilay ko at tumawa. "I may have an amnesia pero hindi ako naniniwalang may asawa ako and for pete's sake, kung asawa talaga kita bakit ngayon ka lang nagpakita it's been 2 years. Stop kidding"
Yes I have an amnesia as well as my sister. Hindi ko alam kung pano nangyari yun and how we ended up in that damn place and here in Italy.
"Hindi mo ba talaga maaalala? Si Perseus?" tanong nya ulit.
"Perseus?" hindi ko alam pero narinig ko pa lang ang pangalan nyang yun parang mas bumigat ang pakiramdam ko. "Tama na, kung sino sinong sinasabi mo. Quit it!" galit kong sabi sa kanya.
I am told not to trust anyone, hindi ko alam baka isa sya sa mga taong may dahilan ng lahat ng to.
"Sorry, hindi ko sinasadya. Wag kang magalit but I am just really glad to see you and Akira" he said.
"You know my sister?" tanong ko mas kinabahan ako. "Listen up, kung may balak kayong masama sakin or kahit kay Akira, itigil nyo na. Hindi kayo makakalapit or masasaktan ang kapatid ko hanggang nandyan si Dmitri" galit kong sabi sa kanya.
"Luna, you got it wrong"
"No. I'll excuse myself" sabi ko at tinalikuran sya.
Babalik na sana ako sa stage pero hindi ko napigilang tingnan sya ulit. He looks so devastated.
I felt a pain in my heart.
Cloud?
The way he called me, I feel like I've been longing to hear that for a long time.
Weird.
Akira's POV.
"Do you feel like you know me?" he asked me back at ngumiti sya.
Pakiramdam ko ay nagkagulo sa buong sistema ko dahil sa ngiti na yun. Napalunok ako. Why am I affected like this.
Yumuko ako at sa muling pagtaas ng tingin ko ay nagtama na naman ang mata namin.
Those chocolate eyes.
Araw araw kong napapanaginipan ang mga matang yan. Sa kanya ba talaga yun?
"I-i don't know" nauutal kong sagot, kinakabahan ako sa hindi ko malamang dahilan. Pinilit kong ngumiti sa kanya.
"Hon, imposible yun. First time ni Thunder dito sa Italy. Sorry Thunder, she must have mistaken you for someone else. May amnesia kasi si Akira. It's been 2 years already pero nahihirapan pa din syang makaaalala kaya ganyan sya madalas akala nya kilala nya yung isang tao pero hindi" nakatingin lang ako kay Dmitri.
I smiled at him bago bumaling kay Thunder.
"Sorry, ganito talaga ako. I am trying to cope up" sabi ko rito.
"I understand mon soleil" mahina lang ang sagot nya nun pero nahagip pa din ng pandinig ko ang huli nyang sinabi.
Mon soleil
Mon soleil
Mon soleil
Hindi ko alam pero parang mabibiyak ang ulo ko sa sakit.
Paulit ulit kong naririnig ang mga huling sinabing salita ni Thunder pero ang nakakapagtaka ay boses nya rin ang nagsasabi ng lahat ng yun.
"Aaah" napahawak ako sa ulo ko.
"Hon, are you okay? Sabi ko naman kasi sayo"
"Magre restroom lang ako, okay lang ako" sagot ko.
Tumayo na ko pero napahinto ako dahil biglang pumasok sa isip ko si Thunder. He looks so mad, he called my name as if I've done something terrible.
Hindi ko nakayanan ang sakit ng ulo ko.
"Akira"
Si Thunder, ang mukha ni Thunder ang huling nakita ko bago magdilim ang lahat.
I do not know myself or the people in my past or what happened
Pero one thing is for sure.
Thunder Montenegro definitely know who I am
And I can't help but feel afraid to him.
Who is he? What does he wants from me? Sya ba ang gustong magpapatay sakin? Why?
Thunder's POV.
"Magre restroom lang ako, okay lang ako" sagot nya.
I can't help but feel concerned. Damn! She looks unwell. Namumutla sya.
Mr. Fernando left the table awhile ago to join his friends kaya kaming apat na lang ang nandito.
Nakatingin kaming tatlo ni Cloud kay Akira dahil napahinto sya. She held her haid at nataranta ako ng makitang pabagsak na sya kaya mabilis akong tumayo at sinalo sya.
"Akira" tawag ko sa kanya before she closed her eyes.
Sobrang kinakabahan ako kaya I carried her. Damn, I should have known better hindi ko na dapat sya pinag isip.
Aalis na sana ako para dalhin si Akira sa hospital ng maramdaman kong may pumigil sa braso ko.
It's Dmitri.
"Ako na pare, ako ng bahala kay Akira. Salamat" he said.
I froze. Unti unti nyang kinuha sa bisig ko ang walang malay kong asawa.
Gusto kong sabihin sa kanyang fck off pero hindi dahil baka makahalata na sya at ilayo nya sakin si Akira. That's the last thing I want to happen.
Kahit hindi nya pa muna ako makilala as long as nakikita ko sya at nalalapitan it's enough for me.
"Ganito talaga ang epekto sa kanya kapag nag iisip sya ng husto, her doctor said na ang nag trigger ng amnesia nya is sobrang traumatic stress and kapag pinilit nyang makaalala or what mas lalala ang kondisyon nya pwede syang mag break down" Dmitri said while we are walking to his car.
"Anong nangyari kay Akira?" nagulat ako ng biglang sumulpot si Luna.
"Stress" sabi ni Dmitri.
Tumango si Luna, nakita kong tiningnan nya si Cloud. Sinamaan nya ito ng tingin bago sumakay sa kotse ni Dmitri. He placed Akira sa tabi ni Luna sa back seat.
Hindi pa rin mawala ang pag aalala ko.
Sinarado ni Dmitri ang pinto at bumaling sakin.
"Hindi naman siguro totoong magkakilala kayo?" he asked
Hindi agad ako nakasagot.
I have to win this battle.
I have to get my wife back
And Dmitri knowing the truth will surely let him freely take Akira from me. He wants my wife, I can see and feel that. Alam kong hindi nya basta bastang isusuko si Akira.
At masakit, masakit sa pakiramdam ko bilang asawa na makitang ngumingiti si Akira dahil kay Dmitri.
The way she looks at him parang kung pano nya ko tingnan dati.
Damn that amnesia! Why does it have to be this complicated.
I will make her remember her my way.
"No" plain kong sagot.
"Okay, we'll get going then. It's nice meeting you" sabi nito bago sumakay sa sasakyan nya at pinaandar yun.
"What's your plan?" tanong ni Cloud sakin.
"I want to fvcking punch that Dmitri's face until he dies" galit kong sabi.
Tumawa si Cloud na nang aasar.
"You know you can't do that, mas mahihirapan tayong mabawi sila if we will kill the person they trust the most right now. Hindi ko alam pero parang wala talagang alam si Dmitri"
"I don't know Cloud" sagot ko.
Traumatic stress? Ano ba talagang nangyari? I have to know everything.
Sino yung nagbalak pumatay sa kanila? Sino yung nilibing namin?
It's confusing, para kaming nakikipag gyera sa hangin. Whoever who did this mukhang matalino at may kapangyarihan sya pero bakit si Akira at Luna ang tinarget nya.
Fvck whoever he or she was, I'm gonna deal her/him myself.
I missed my wife