Chapter 4

1154 Words
Unknown's POV. I looked at myself in the mirror, hinagis ko ang hairbrush sa salamin kaya nabasag ito. My plan is not going my way! May kumatok sa kwarto ko kaya I ordered that to come in. "Report" I ordered him. "Totoo nga pong nandito si Akira sa Italya" "Fck!" I cursed. That lucky b***h, nabuhay pa din pala talaga sya. "How about Luna, kasama ba sya dito?" "Ayun nga po ma'am. Akira and Luna thought na magkapatid sila, kaya parehas silang nandito at ang masama pa po nito under sila ng proteksyon ni Dmitri Willford, he's a filipino-italian businessman, kilala sya dito at parang batas kaya nahihirapan kami na patumbahin si Akira" "At paano sila napunta sa poder ni Dmitri?! Do everything you can para madispatsa na yang babaeng yan! Kung hindi sana pumalpak at naawa yung inutusan ko noon para patayin yan, e di sana wala na kong problema" naikuyom ko ang palad ko sa galit. "Mabuti na nga lang at naagapan natin na hindi yan makauwi sa pilipinas" sabi nung tauhan ko. Tama, muntik ng makauwi ng bansa yang babaeng yan, maaaring tulong na din ni Dmitri pero dahil mas marami akong tauhan sa pilipinas kaya nung nagtangka itong umuwi ay muntik na naman syang mamatay, yun na din siguro ang dahilan kung bakit hindi na ito bumalik pa. Naging buwenas naman ako dahil nawalan ng alaala ang dalawang yun, pero hindi pa rin sapat I must kill Akira Sapphire Montenegro. Hindi na sya pwedeng bumalik pa. "Kill her, as soon as possible" Thunder's POV. "Babe, do I look okay?" tanong ni Hailey sakin habang lulan kami ng limousine. Hindi ko sya nagawang tingnan dahil tinatangay pa din ang isip ko nung magazine kung saan ko nakita si Akira. "Yeah" sagot ko. "Hindi ka pa nga tumitingin e" sabi nito sa naghihinampong boses. I sighed. Napakakulit nya talaga. "Sorry Hailey" sabi ko. Hindi sya umimik at humalukipkip na lang. "We're here bro" sabi ni Cloud. Nag park sa tapat ng hotel ang kotse namin. Maraming tao at napakaraming security dahil maraming malalaki at bigating tao ang a-attend sa auction na ito. Inayos ko ang suit ko at lumabas na kami ng sasakyan. Nang makapasok kami sa venue ay marami rami ng tao, hinanap ng paningin ko ang prospect ko. "You came!" napalingon ako sa nagsalita. I smiled. "Mr. Fernando!" I called him. He's a filipino-italian well known businessman here in Italy. "Good to see you Thunder, matagal tagal na din tayong hindi nagkita. Small time ka pa noon but look at you, you are also a well known businessman!" nakangiti nitong sabi. "Thank you, I'd like you to meet my brother, Cloud Denver Hermosa he's the CEO of HFC and Hailey, my date tonight" sabi ko. "Whoa I heard a lot of great news about you Mr. Hermosa. I'm glad to finally meet you, magkapatid pala kayo" sabi ni Mr. Fernando habang nakikipag shakehands. "The pleasure is mine" Cloud. "Good evening sir" bati ni Hailey. "You have a beautiful date tonight Mr. Montenegro, sya na ba ang asawa mo? Nakapag asawa ka na ba?" His question started a pain in my heart. I was stucked. I was about to answer ng may biglang lumapit sa kanyang lalaking naka business suit din and to my surprise it's "Thunder, I'd like you to meet my son, Dmitri Willford. Son, he is the young boy I was talking about before, he is a successful man now just like you" Mr. Fernando. Bakit hindi ko nga ba naisip na maaaring anak ni Mr. Fernando Willford ang Dmitri na to. The Dmitri who stole my wife. "Nice to meet you Thunder, madalas kang ikwento sakin ni papa, sayang nga lang at ngayon lang tayo nagkakilala" Dmitri said, he offered his hand. Ayoko sanang tanggapin at mas gusto kong sapakin na lang sya pero nagpaka formal ako. Walang mangyayari kung magagalit ako, mas mahihirapan akong bawiin si Akira. Kahit gusto ko na syang patayin, I shook his hand. Mukhang ok naman sya at pala kaibigan. Totoo ba to? Hindi nya ba ko kilala? Hindi nya ba alam na ako ang asawa ng tinatawag nyang girlfriend. Kahit nagagalit ako ay kahit papano ay nabigyan ako ng pag asa dahil baka mamaya ay dumating si Akira dito. Baka kasama sya. "Where's my future daughter in law? Hindi mo ba sya kasama?" Mr. Fernando. Future daughter in law? Is she referring to my Akira? Mas lalo lang umibis ang galit na nararamdaman ko. I felt Cloud tap my shoulder, I looked at him. He looked at me as if asking me to calm down. Naguguluhan namang nakatingin samin si Hailey. "Pa, kasasagot sagot pa lang nya sakin, kasal na agad ang gusto nyo. I don't want to rush her. Darating din kami doon" Dmitri. "Dream on" I said in a very low tone. Hindi ko na napigilan ang magsalita. "Are you saying something Mr. Montenegro?" tanong ni Dmitri. Humarang sa gitna namin si Cloud. He faked a laugh. "Ah sabi nya, lets go in daw mukhang magsisimula na ang auction" Cloud said. "Ah, sorry. Shall we go in. Mukhang hindi darating ang date ko" sabi ni Dmitri. Hindi ko napigilan ang malungkot. Hindi sya darating. Hindi ko man lang makikita ng personal o malapitan ang mukha ng asawa kong dalawang taon ko ng hindi nakikita. I missed her, I badly wanted to hug and kiss her "Tara, hindi ba at kaibigan mo ang host ng auction hijo" sabi ni Mr. Fernando kay Dmitri habang naglalakad kami papasok. "Yes pa, kapatid sya ni Akira" Dmitri. Nanlaki ang mata ko at maski si Cloud. Nakakapagtaka naman ang katahimikan ni Hailey. Kelan pa nagkaroon ng kapatid ang asawa ko? Our question had been answered nung makapasok na kami sa venue. Pakiramdam ko ay na estatwa ang kapatid ko nung mapako ang tingin nya sa entablado. "Luna?" sabay naming sabi. "You know her?" nagtatakang tanong ni Dmitri pero maya maya lang ay tumawa sya. "Oo nga pala, how could you not know her, she's a famous fashion designer and model here in Italy. Sya yung kapatid ng asawa ko. Si Luna Ferrero" Dmitri said. "Join us in our table Thunder" sabi ni Mr. Fernando. "Sige sir, susunod na lang po kami" sabi ko. "Thunder excuse me, magre restroom lang ako" sabi ni Hailey at mabilis akong tinalikuran. She seems a bit weird but wala akong oras para usisain sya. "Cloud" tawag ko sa kapatid ko na hanggang ngayon ay nakatulala pa din sa entablado. Nakatayo si Luna at masayang nakikipag kwentuhan sa cost host nitong lalaki. Hindi pa kasi nag i start ang program. My brother's fist is formed into a ball. Mabigat din ang paghinga nya, mukha syang nagtitimpi. "Gather yourself Cloud, wag kang gagawa ng desisyon na pagsisihan mo" I said. He looked at me. "I know, but remind me na after maayos lahat ng ito ay papatayin ko yang katabi ng asawa ko" Cloud said. "My pleasure" I answered. "Damn, bakit naman kasi nakapang sexy na damit tong babaeng to, mahihirapan akong ipapatay lahat ng tumitingin sa kanya ngayon" natawa ako sa sinabi ni Cloud. Magkapatid nga kami. Hindi ko man makikita si Akira ngayon, I'm glad to know na buhay din si Luna. I looked at the necklace na laging nasa bulsa ko. It's our wedding ring. Mon soleil, I will not leave Italy without you. I will do everything to take you back. -------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD