"Anak... tayo na." yakag na ni Mildred sa anak nang tumayo na sila mula sa lounge habang malayong nakatanaw si Liliana sa entrance ng airport at umaasang darating si Theo. Hindi ito sumama upang ihatid sila... hindi na rin ito nagpakita pa sa kanya matapos nang naging pag-uusap nila nang ibigay nito sa kanya ang kanyang passport ilang linggo nang nakararaan... Buong pamilya silang babalik sa US at sa hindi malamang dahilan tila sobrang bigat ng pakiramdam niya sa gagawing pag-alis. "Mom... hindi ba siya... hindi ba siya..." hindi maituloy-tuloy ni Liliana ang gusto niyang itanong. Nagkatinginan naman ang mag-asawang Damian at Mildred at parehong humugot ng isang malalim na paghinga at naiintindihan nila kung anong ibig ipa-batid ng anak nila. Hinawakan ni Damian ang magkabilang balika

