Hating gabi na nang umalis si Theo at hinayaan na ako makapagpahinga kaya nagkaroon na ako ng pagkakataon kunin ang phone ni Meridette mula sa ilalim ng kama ko. Sakto namang pag-kuha ko nang mag-ring ito bigla, Meridette ang nakalagay sa caller ID, siya na ito kaya agad kong sinagot. "H-Hello, Meridette..." alangan kong tawag sa kanya at pinakiramdaman siya mula sa kabilang linya. "Mag-ready ka na bukas ng tanghali, o kahit mga morning lunch, may susundo sa iyong tao ko riyan sa mansion niyo," bungad nito na ikinalito ko. "Paanong susunduin? Sandali, mahigpit ang mga nagbabantay sa ak—" "Listen, p'wede ka lumabas para mamasyal, hindi ba? Magpaalam kang kunwari ay may pupuntahan ka, masiyadong obvious kapag gabi ka lalakad, mas maganda may araw pa nang hindi ka maging suspicious then

