CHAPTER FIFTY-FIVE

1103 Words

Hindi nawala sa isip ni Liliana kung ano nang kalagayan ngayon ni Theo, at hindi rin siya pinayagang bumalik sa Pilipinas. Kahit nga naman bumalik siya roon, ano bang magagawa niya? Wala rin siyang magagawa at baka siya rin, kasuhan. Naiintindihan niya na ngayon ang ginawang ito ni Theo, kung bakit ganoon ang naging desisyon nito, iniiwas na siya hangga't makakaya pa siyang iiwas. Naroon pa rin ang bigat sa kanyang kalooban ngunit hindi iyon ang kanyang pinoproblema ngayon dahil may dalawang buwan na siyang delayed simula nang may huling nangyari sa kanila. Dalawang buwan mahigit na simula noong umuwi sila rito sa US. Hawak niya ang isang pregnancy test kit at inalala kung kailan nga ba huling mayroong nangyari sa kanila ni Theo. Tama, noon nasa isla pa sila, dalawang buwan na nakakali

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD