Hae Seon POV
Hindi ko makita si Shine.
Nasaan kaya siya?
Hindi ba niya naintindihan ang sinabi ko sa kanya, na ang tanging dapat niyang gawin bilang taga silbi ko ay ang manatili sa aking tabi? Ngunit, bakit ngayon ay wala siya?
Nakailang balik na ako sa silid niya ngunit wala siya roon.
Lumabas ako ng aking silid at naglakad-lakad.
Nakita kong bumukas ang pinto ng palasyo at pumasok doon ang dalawang kabayo.
Sakay ng isang itim na kabayo si Hyun ri. Samantalang sakay naman ng puting kabayo si Shine?
Totoo ba ang nakikita ko? Nakasakay siya sa salbaheng puting kabayo na iyon?
Nagmadali akong lumapit sa kanilang dalawa.
"bakit magkasama kayong dalawa ng aking tagasilbi?" tanong ko kaagad sa kanila hindi pa man sila nakakababa ng kabayo.
Unang bumaba si Hyun ri.
"naku! ipagpaumanhin niyo po kamahalan!" natatarantang sabi ni Shine. Nagmamadali siyang bumab ng kabayo at sa pagmamadali niya namali siya ng tapak kaya naman nawalan siya ng balanse.
"oh oh oh oh!" agad ko siyang dinaluhan at nahawakan upang hindi tuluyang bumagsak.
Nahawakan ko siya sa beywang.
"ayos ka lang ba?" nakatitig ako sa mga mata niya.
"a-ayos lang ako kamahalan. S-salamat." sabi niya.
Ibinaba ko na siya at binitawan.
"sumunod kayo sa aking dalawa." sabi ko at nauna ng umalis.
Pagpasok nilang dalawa sa loob ng aking silid agad akong lumapit sa kanila.
"saan kayo galing at bakit magkasama kayong dalawa?" tanong ko kaagad sa kanila.
"gaya ng ipinag utos niyo, pinuntahan ko ang dating tahanan ni Ginoong Moo, kamahalan." nakayukong sabi ni Hyun ri.
Tumingin siya kay Hyun ri. Marahil iniisip niya na hindi man lang ba siya pagtatakpan?
"ikaw naman binibini? Saan ka nang galing? Hindi ba dapat ay nasa loob ka ng palasyo bilang aking taga silbi?"
"patawad po kamahalan. Hindi na po mauulit ang aking pag alis ng hindi niyo nalalaman." nakayukong sabi niya.
"kung wala na kayong ipag uutos maiwan ko na po kayo kamahalan." paalam ni Hyun ri sakin at lumabas na ng silid. Napatingin si Shine sa papaalis na si Hyun ri.
Ibinaling niyang muli ang tingin sa akin.
Lumapit ako sa kanya.
"hindi mo ba alam kung gaano ako nag alala dahil, wala ka sa iyong silid?"
"kamahalan." titig na titig siya sa akin.
Niyakap ko siya na ikinagulat niya.
"hindi ko maintindihan ngunit, gusto ko na palagi ka lang sa tabi ko." sabi ko habang yakap siya.
"kamahalan."
"ipangako mo sa akin na dito ka lang. At hindi ako iiwan." sabi ko
Naramdaman ko ang pag tango niya. Kaya hinigpitan ko lalo ang pagkakayakap sa kanya.
Hindi siya maaring muling mawala.
Shine/Shin Weol POV
Abala ang buong palasyo ngayon dahil, sa gaganaping pagtitipon para sa magandang pamamahala ng hari sa loob ng kanyang nasasakupang bayan.
Lahat ay pwedeng dumalo kasama ang mga tao na nakatira sa labas ng palasyo.
Kasama ko ang hari ngayon sa kanyang silid upang paghandaan ang okasyon na gaganapin mamaya.
"huhubarin ko na ang inyong sinturon kamahalan." sabi ng taga silbi na sadyang ikinagulat ko.
Bakit niya huhubarin ang sinturon ng kamahalan?
Nanlalaki ang mata na tanong ko sa sarili ko.
Tumingin ako sa mahal na hari na nakatingin din sa akin.
Kinalas ng taga silbi ang pagkaka lock ng sinturon kaya napasinghap ako at tumalikod.
Siya ba ang magbibihis sa kamahalan? Bakit kailangan niyang gawin ang bagay na iyon na pwede namang ako ang gumawa dahil, ako ang personal na taga silbi ng kamahalan? Hindi ko yata kayang makita ito.
Muli akong humarap sa kanila ng nakapikit.
"ahh... n-natanggal mo na ba ang sinturon ng kamahalan?" lakas loob kong tanong.
Walang sumagot sa tanong ko. Iminulat ko ang mga mata ko at nagulat ako ng nakatingin sakin ang mahal na hari at ang mga taga silbi.
Napayuko ako sa hiya.
"ano ka ba, Shine. Nakakahiya ka!" sabi ko sa sarili ko.
Hindi pa rin nahihila ng taga silbi ang sinturon ng kamahalan. Hay! Napahiya na rin lang naman ako lulubusin ko na.
Lumapit ako sa kamahalan.
"maaari bang ako na lang ang gumawa niya sa inyo, kamahalan?" nakatitig lang ako sa kamahalan at hindi kumukurap.
"at ano ang iyong karapatan upang gawin iyan? " tanong ng taga silbi. Nakatingin lang ako sa hari.
"dahil, ako ang kanyang taga silbi." sabi ko.
"huh! hindi mo ba al..." hindi na naituloy ng taga silbi ang kanyang sasabihin.
"maari na kayong lumabas." sabi ng kamahalan.
"ngunit, kamahalan?"
"narinig niyo ang kanyang tinuran. Siya ang aking taga silbi." sabi ng kamahalan.
"masusunod kamahalan." nakayukong sabi ng taga silbi.
Umalis na ang mga taga silbi at naiwan kaming dalawa ng kamahalan.
"simulan mo na ang pagbibihis sa akin." sabi niya.
"h-ha?"
"bakit tila parang nagulat ka? Hindi ba't ikaw ang may nais na gumawa nito kaya, pinaalis ko ang mga taga silbi?"
Napasubo yata ako.
Wala na akong nagawa. Lumapit ako sa kamahalan at sinimulan na bihisan siya.
Sa sobrang lapit namin sa isa't isa nahihirapan akong huminga.
"hindi mo kailangang pigilan ang iyong paghinga." napahinto ako sa sinabi niya at tinitigan ako sa mga mata.
"masaya ako dahil ikaw ang gumagawa nito. Palagay ang loob ko kapag alam kong malapit ka lang sakin." hinaplos niya ang pisngi ko at unti-unti niyang inilalapit ang mukha niya sakin.
Napapikit na lang ako ngunit, muling namulat ng may tumawag sa mahal na hari mula sa pinto ng kanyang silid.
"kamahalan, malapit ng magsimula ang piging." narinig kong sabi ni Hyun-ri mula sa labas.
"tapusin mo na ang ginagawa mo at pagkatapos ay magbihis ka na at sumunod sa akin. Nasa iyong silid ng ang iyong susuotin." sabi ng kamahalan.
Tumango lang ako sa kanya.
Pagkatapos kong bihisan ang mahal na hari lumabas na kami ng silid. Naghihintay si Hyun-ri sa labas kasama ng mga taga silbi.
Napansin ko na masama ang tingin sakin ng taga silbi na dapat ay magbibihis sa kamahalan.
"tayo na, kamahalan." sabi ni Hyun-ri.
Tumango ang hari at tumingin sa akin.
"hihintayin kita." sabi niya.
Ngumiti at tumango lang ako sa kanya.
Nauna na silang umalis ni Hyun-ri.
Aalis na sana ako ng biglang humarang sa daraanan ko ang taga silbi.
"hindi mo ba ako kilala?" tanong niya sakin.
Inisip ko kung sino siya pero, hindi ko siya kilala. Kaya, iling ang isinagot ko.
"ako lang naman ang taga silbi ng hari. At iniatas sa akin ang pagbibihis sa kanya. Ngunit, bakit nangialam ka? Sino ka ba?" mataray na sabi niya sakin.
Ngumiti ako sa kanya.
"Ako si Shin Weol. Ang taga silbi ng kamahalan. Siya mismo ang kumuha sakin sa harapan mismo ng inang reyna." mukhang nagulat siya ng magpakilala ako.
"a-anong s-sinasabi mo? I-ikaw si S-hin W-weol? Ikaw ang mensaherang kawal?" nanlalaki ang mga mata na tanong niya.
"mismo! Kaya, kung mamarapatin mo paraanin mo na ako kung ayaw... " hindi ko na tinuloy ang sasabihin ko dahil, nagmamadaling umalis na siya sa harapan ko.
Nangingiti na lang ako habang papalayo sa mga taga silbi. Effective ang ginamit ko sa kanyang salita. Hihi!
"ako si Shin Weol." natatawa kong sabi.