“Siya. . . siya si Sunshine Olivarez. Ang anak niyo ni Seila.” Ang mga salita na 'yan ang tuluyang naglantad sa kung sino ba talaga ako. Ang mga mata ko ay nanginginig na nakatingin sa tatay ko. Nangingilid na ang luha sa mga mata ko. Hindi ko alam kung tatakbo ba ako para yakapin siya. Hindi ko na alam. Hindi ko na alam kung ano bang dapat kong maramdaman. Naguguluhan na ang utak ko. "May anak kami ni Seila?" Maging ang tatay ko ay nahihirapan na maniwala sa kung ano ang buong katotohanan. Kaya ngayon maging ako ay hindi ko na alam kung paano magpaliwanag. Ano pa bang dapat kong sabihin sa kaniya? Pakiramdam ko talaga ngayon ay parang namamanhid ang buo kong katawan at nabibingi na ako sa lakas ng t***k ng puso ko. Mababakas sa mukha ng tatay ko ang pagkagulat. Lalo na sa asawa ni

