Wala namang bago sa trabaho ko. Hanggang ngayaon naiirita pa rin ako kay Lyka. Lalo na kapag nakatingin siya sa akin tapos iirapan niya ako. Para nga kaming mga bata kung mag-away. Syempre hindi naman ako papayag na siya lang ang iirap sa akin. Kaya kapag napapatingin din siya sa akin, uunahan ko siyang umirap. Matapos no'n hindi na ako titingin sa kaniya para lang hindi niya ako mabawian. Siguro kapag nagalit na talaga 'to ipapatawag na niya ako sa office at doon pagagalitan, pero may rason naman ako. Sasabihin ko malabo ang mata ko at hindi ko napapansin na umiirap na pala ako. Isa pa, ang babaw naman niya kung 'yon lang ang dahilan para pagalitan ako. Para siyang tanga. Trka, oo nga pala, tanga na siya. Habang nagpapatuloy ako sa trabaho, may pumasok sa loob ng cafe. Napatingin ak

