Nagpapatuloy ang araw namin ni Orwa na parehas kaming masaya at hindi na kami matapos sa tawanan naming dalawa, Parang walang rpoblema na dumating sa buhay namin. Sabay naming hinaharap ang lumilipas na sandali na parang ngayon na rin ang huling beses na magagawa namin ito. Nakaupo kami sa sahig habang nakasandal ang likuran namin sa sofa. Nakahiga rin ang ulo ko sa balikat ni Orwa, na sa tuwing tumatawa siya ay tumatalbog. “Ang ganda pala talaga ng palabas na 'to,” saad ko. Ilang beses ko na rin itong sinabi. Hindi ko lang talaga akalain na maganda ang palabas. Hindi ko akalain na maluluha ako sa katatawa. Per makikitaan naman ito ng magandang aral. Magaling ang pagkakagawa ng pelikula. “Kainit mo na muna itong niluto kong pansit, mahal. Kanina pa andyan 'yan, puro ka lang lum

