Natuloy ang ag-uusap naming tatlo at mukhang habang lumilipas ang oras ay nagiging mas malalim pa ito. Hindi dahil sa galit, kung hindi pa pamimili ni Sir Tyron na tulungan ako sa kabila nang ilang beses ko siyang tanggihan at pilit na sabihin na ayaw ko ang kahit na anong tulong sa kahit na sino. Ilang beses ko na sa kaniyang pinaliwanag kung ano ba ang buong katotohanan kung bakit ayaw ko na magpagamot pa. Kahit na wala akong balak na aminin sa kaniya ang lahat tungkol sa kain, sa buhay ko at sa mga gulang ko ay nasabi ko na sa kaniya. “Makinig ka Sunshine, para din naman ito sa inyo ni Orwa.” Pagpipilit ni Sir Tyron. “Sa totoo lang—“ Hindi na ako natapos sa pagsasalita matapos na may kumatok sa gate namin. Hindi na ito gumamit ng doorbell. Tila ba nagmamadali ito kung kalampagin

