Parang bangungot ang mga nalalaman ko. Gumising ako isang umaga na parang hindi ko nadama ang kapayapaan sa utak ko. Parang gusto ko na lang iuntog ang ulo ko sa pader para lang magising ako sa kung anong klaseng masamang panaginip na ito. Gusto ko nang takasan kung ano ang mga kinaharap ko. Parang gusto ko na lang tumakbo pabalik sa kung saan ba nagsimula itong lahat, baka sakaling makaya ko bang baguhin ito lahat. Ang hirap, hndi ko na maintindihan ang sarili ko at kung magkakaroon pa ba ako ng maayos na kinabukasan. Ang hirap intindihin nito, ang hirap piliin kung ano ba talaga ang mangyayari mamaya o bukas. “What?!” Isang sigaw ni Rick ang nagpabalik sa akin sa sarili ko. Hindi ko namalaman na kanina pa ako nakatulala sa malayo. Kahit nga ata ang mga kwento sa akin ni Sunny at mg

