Nasa tapat na ako ng gate ng bahay ng nanay ko. Mablis ang t***k ng puso ko sa mga oras na ito. Nakakaramdam ako nang kaba at takot sa posibilidad na maganap kapag bumaba ako a sasakyan namin. “Sasamahan na kita,” saad ni Orwa, matapos niyang sabihin ito ay tinanggal niya ng seatbelt. Balak na sana niyang lumabas nang hawakan ko siya sa braso upang pigilan siya. Dahil sa ginawa ko, napakunot pa ang kaniyang noo at tumingin sa akin. “Wag na muna mahal, hayaan mo na ako. Hintayin mo na lang ako rito sa loob,” saad ko. Binigyan ko siya ng isang ngiti na maaaring magpakampante sa kaniya. Alam ko na may pag-aalala sa mukha niya, ngunit kailangan kong sabihin sa kaniya kung ano ba ang dapat niyang gawin. Dahil nais ko na kaming dalawalamang ng nanay ko ang mag-usap. “Mag-iingat k

