Chapter 15 Gariel's Pov "Ano na bro! Nakalimutan mo na tawagan ako ah! Ipaalala ko sa'yo ang sabi ko lang sa'yo 1 to 2 days lang, teka bakit naging 5 days na! Hindi na kayo bumabalik. Gago ka nakascore ka na ba?" Sabay tawa ni Jake. Tangina tatawag lang siya para inisin ako. Napatingin ako sa relo ko tangina 1am, nakakunot noo ako, gising pang gago 'to! "Anong oras na ba?" sabi ko na lang sa kan'ya. "Gago may relo ka! Problema mo sa oras." "Oo! Nakakaistorbo ka sa tulog ko gago ka." "Naistorbo ba kita? Paano kasi si Lex kinukulit ako. Gusto ka raw niya puntahan, alam mo ba hindi ako makasagot? Hindi ko na alam paano ako makipag-usap kay Lex. Mukha na katunog na gago na 'yon." "Manahimik ka na lang." "'Yon nga ginagawa ko." "Lasing ka ba?" Tinawanan lang niya ako. "Oo! Konti lang

