"So, hindi kayo nagkita ng boss mo?" si Freya sa akin. Tulala akong napatitig sa kisame ng kwarto at lutang na naman ang isip ko. Finally, I have signed all the documents and all I have to do now is to start the job by next week. Tapos na ang holiday ko. Ganoon na lang ba ito? Mukhang kulang pa yata at may gusto pa akong gawin bago magsimula sa trabaho. "Bibisita kaya muna ako ng Cebu? Kay Lola?" Nahinto si Freya at humarap muli sa akin. "Yes, do that. If you want, take someone with you." "Si Mama na lang isasama ko." "Naku, hindi sasama si Mama sa'yo, ate. Si Papa siguro pwede. You don't know what really happened back then when Lola passed away. Si Mama ang naapektuha ng tudo. Kaya hindi ako sigurado na masasamahan ka niya." Natulala na naman ako at napahiga akong muli sa kama. Nag

