BAHAGYA akong napapitlag nang mula sa likuran ko ay may mga brasong pumulupot sa baywang ko at hinalikan ako sa pisngi ko. “Good morning, wife!” Malambing na bati sa akin ni Hideo. Napangiti naman ako at bahagya siyang nilingon. “Morning, love.” Nasa kusina na ako, sa tapat ng kalan at nagluluto ng ham at scrumbled egg. Maaga akong nagising kanina kaya bumaba agad dito sa kusina para magluto ng almusal namin. Gusto ko kasing bigyan ng breakfast in bed ang asawa ko. Lagi na lang kasi siya ang gumagawa niyon sa akin these past few days. It’s been one month simula nang malaman namin na si Zakh pala talaga ang pumatay kay Papa at hindi ang asawa ko. One month na rin kaming narito sa isla. Simula no’ng araw na pinuntahan ko siya rito, hindi pa kami umuuwi sa Maynila. We both decided na m

