Napahilot ako sa entido ko pagkaupo ko sa swivel chair ko. Parang ngayon lang ako nakahinga ng maluwag simula noong pumasok at makalabas ako sa office ni Sir Dela Vega Huminga ako ng malalim.
"Hoy anyare sayo??" bigla na lang sumulpot si Susi sa harapan ko.
"Wala, may sumira lang ng araw ko"
"Huh? Sino naman sisira ng araw mo? Yung mga chismackers dyan sa tabi tabi? Sus! huwag mo ngang pinapapapansin yung mga bubuyog na yun dahil hanggang bulungan nalang yong mga yon." Nakairap na sabi niya,.ang tinutukoy niyang mga bubuyog ay ang mga employee na walang magawa kundi ang pag usapan ang buhay nya lalo na noong naghiwalay sila ni Eduard. and speaking of that man... Arrghhhhh...
"hindi naman sila yung sumira ng araw ko no.. " napataas naman siya ng kilay siguro dahil may iba akong dahilan kung bakit nasira ang araw ko dahil yung mga babae naman talaga na yon ang laging sumisira ng araw ko.
E sino aber?! Huwag mong sabihing may bago na namang mangkukulam sa istorya ng buhay mo?"
Psh. Hindi mangkukulam kundi monster! as in MONSTER!!!
"Si Eduard, nandoon kasi siya sa office ni Sir" yamot kong sabi at literal namang lumaki ang mga singkit niyang mata.
"What?? that freaking as**ole! at bakit naman bumalik pa siya? ano makikipagbalikan siya sayo?"
ang advance ding magisip ng babaitang ito eh!
"ano ka ba! ang OA mo mag react ah. Syempre hindi makikipagbalikan sakin yun no! kaya nga lumayas dito yun para tigilan ko na siya e, natural kumpanya nila to e kaya may karapatan siyang maglabas masok sa building na to no"
"hmp. sana nagpakaburo nalang siya dun kung saang lupalop man siya galing no. "
"alam mo, mas bitter ka pa sa akin, bakit ka nga pala nandito? " tinanong ko na lang siya para matapos na, mas bitter pa sa akin e.
" ayyy oo nga pala, nagpapatawag si sir sungit ng board meeting. may mahalaga daw sasabihin si big boss. " ang sir sungit na sinasabi nya ay ang nakababatang kapatid ni Eduard na si Sir Ellie sekretarya kasi siya ni Sir Ellie e, medyo close din kami nun kasi magkasing edad lang kami. well lahat naman sa pamilya niya ka close ko pero syempre kaylangan ko nang dumistansya sa kanila.
"Lahat daw ng employee ?" Tumango naman siya. Bakit naman kaya?
------------
Lahat ng empleyado ay nagtipon tipon dito sa function hall kung saan ginaganap ang mga pagdiriwang ng kompanya at kapag may meeting na ganito.
"Ok now that you are all here, " napatingin ako sa harapan kung saan naroon ang mag aamang Dela Vega.napadako naman ang tingin ko kay Eduard na nakatingin din pala sa akin. Nag iwas nalang ako ng tingin dahil baka isipin pa niya ay tinitignan ko siya.
"I would like to inform you that my son Eduard just came back and I would just like to announce that I will not be handling this company anymore since I am old now but I would like to introduce the new CEO of DV corp.,
no other than my Eldest son Eduard Pete Dela Vega. "
Nag palakpakan ang mga tao nang kinuha ni Eduard yung microphone at ngumiti sa mga tao. tsk yabang porke siya na yung bagong CEO!
"First of all, I would like to thank Dad for entrusting me this big respondibility and also to all of you. I assure you that I will give my very best to make this company on top." Hmmp. Puro satsat!
Marami pa siyang sinabing kung ano ano. Nagkaroon ng salo salo pagkatapos ay pinabalik na kami sa kanya kanyang trabaho.
Nakalabas na ako sa function hall para pumunta sa department namin nang may biglang humila sa akin sa isang gilid papunta sa C.R. na designated para sa function hall.
"Ano ba!" reklamo ko nang nakilala ko kung sino ang kumag na humila sa akin.
Bigla nya akong isinandal sa pader . his smirks makes me more annoyed at him. Kakabuset!
"ano ba??! Bitiwan mo nga ko!"
"Later honey.... I just want to greet you...still working here huh?"
" oh e ano naman ngayon? Para sabihin ko sayo, pinilit lang ako ng Mommy't daddy mo. Kung hindi dahil sa kanila, baka matagal na kong wala dito!" Gigil na sabi ko.
"relax.. Defensive eh? "
ang sarap talagang sabukain ng muka!
"sir, Hindi po ako defensive. Nililinaw ko lang po. Hindi porket nandito pa ko, umaasa pa ko na babalikan mo ko. That never crossed my mind.Hindi ako tanga para naisin na bumalik ka pa sa akin..once is enough. Kaya huwag na huwag mong iisipin na kaya ako nandito ay para sayo. Yung tayo? That-will- never- happen- again. " may din Kong sabi. Masabihan man akong feelingera pero diretsuhan na kung deretsuhan para malinaw.
Dahil ako, malinaw na sa puso't isipan ko.. Isa na lang siyang bahagi ng nakaraan ko.