Maaga akong nagising dahil magpapa alam pa ako kay Aling Maris na uuwi ako sa amin. Hindi rin ako masyadong nakatulog kakaisip sa nasaksihan kahapon parang ayaw ko munang kausapin si Aling Maris dahil nakonkonsensya ako sa kanya. Ayaw kong sabihin sa kanya dahil alam kong masasaktan siya isa pa ayaw ko nga ng gulo baka ako pa dahilan na mawalan sila ng trabaho. Ibabahala ko na lamang sa panginoon kong sakali mang dumating yung panahon na si Aling Maris ang makakahuli sa kanila. Nag punta na ako ng kusina para magsaing ng kanin para sa amin kasi alam kong mamaya pa isasaing ang para sa kanila ni Senyora at Senyorito. Kadalasan talaga ay mas nauna kaming kumain kaysa sa kanila dahil marami kaming gawain na dapat gawin. Minsan naman kung kakain rin sila doon na rin kami kakain pero si Aling

