LESHYEN POV
"Invitation cardOf my Wedding next month."
PArang bombang sumabog sa isipan ko ang sinabi niya kanina. Siya ikakasal na?Kanino?
"One more please," sabi ko sa bartender. Nandito ako sa bar hindi para mang trip. Kundi ang lunurin sa alak ang sarili ko.
HINDI parin ako makapaniwala sa mga narinig ko lalo na noong nag kausap kami.
FLASSBACK
"Invitation card Of my Wedding next month.
"
Nagulat kaming lahat sa sinabi niya. A-Ano raw?
"W-Wedding mo?" gulat na sabi ni Yhevey.
"Eh? Ang bilis naman ata, isang buwan at kalahati ka lang nawala pagbalik mo ikakasal ka na?" hindi makapaniwalang sabi ni Marvess.
"Oonga kuya Terrence," sabi naman ni Jassy.
"Sino naman iyan?" sabi ni Farrah.
"Its just a one nights stand with my co-agent, kaso n-nabuntis siya. K-Kailangan kong panagutan, si Vanessa," sabi niya.
Biglang nanikip ang dibdib ko dahil sa narinig ko. Hindi ko maintindahan ang sarili ko kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Wala akong karapatang makaramdam ng ganito. Wala!
"Wew dalhin mo siya dito nang makilala naman namin," ani ni Yhevey.
Patuloy sila sa kwentuhan. Hindi na ako nakinig at niligpit ko ang gamit na kailangan ko. Kailangan kong umalis agad dahil baka di ko mapigilan ang sarili ko. Matapos kung magligpit. Naglakad na ako palabas.
"Lesh!"
Napahinto ako sa pagtawag niya sa akin.
Lumingon ako at nginitian sya.
"Dont worry, aatend ako sa kasal mo," sabi ko at tuluyang lumabas.
Napahigpit ang hawak ko sa dala ko. Akalain mo nga naman mas masakit pa pala ito, kaysa sa nalamang mahal niya si Yhevey. I dont know, kung kailan ako nagkagusto sa kanya basta bigla na lang ayon, nagkagusto ako. No! Nagmahal pala agad ako. Sa tao pang hindi pwedi sa akin. Napabuntong-hininga ako.
Nagpatuloy ako sa paglakad. Hanggang makarating ako sa parking lot. I was about to enter my car when someone call me.
"Lesh! Wait!"
Aissh! Bakit niya ako sinundan!
"What?"
"A-Are you mad at me?"
"Why would I ? May karapatan ba akong magalit?"
Ako mismo ang nasaktan sa sinabi ko. I'm not mad, I'm hurt! Terrence!
"B-because I'm your slave at nawala ako ng isang buwan," sabi niya.
Slave? Oonga pala slave ko lang siya. Hanggang doon lang!
"Oh? That's okay, I'm not mad. I understand you At okay lang rin sa akin kung ayaw mo nang maging slave. Ikakasal ka na kaya kailangan kitang palayain," sabi ko at iniwan siya.
Tama! Palayain! Dapat na kitang palayain upang makalimutan ko ang nararamdaman ko sa iyo.
End Of Flassback
Natawa na lang ako nang maalala ang sinabi niya. Feeling ko isa akong kabit na pinapalaya ang taong may asawa.
Um-order ulit ako hanggang di ko namalayang nalasing na ako.
KAIZER POV
6;am in the morning.
NAgising ako sa ingay na nagmumula sa labas ng kwarto ko.
BLAG!
BLAG!
"Kaizerrr! Buksan mo ito!"
Inis akong bumangon At binuksan ang pinto. Nagtataka akong nakatingin kay Sarah. Pinsan ko. Paano ba ito nakapasok sa apartment ko.
"Ano ba! Ang ingay mo paano ka nakapasok dito," irita kong sabi.
"Kuya! Napanood mo na ba ang Vedio? Kaninang 5am lang to na-post sa f*******: at youtube pero ang dami ng Viewers at comments! Here watch this," sabi ni Sarah.
Pinakita niya sa akin ang vedio at nawala ang antok ko sa nakita ko. S-Sila Trevon, James, Harold at Weller. Naghahalikan sa vedio. Hinalikan din nila ang dibdib ng bawat isa. Nakahubad nang pag itaas na damit. Nakita ko rin ang sarili ko na nakahiga at nakatulog. s**t!
"Kuya that was gross! Bakit nagkanyan sila?"
Hindi ko siya pinansin. Tiningnan ko ang mga comments.
@lovetme: oh my gosh! Anong nangyari sa kanila!
@Gale _123: Waaah that was gross! Yuck..!
@Abalieyu: Anong nangyari? May pagnanasa ba sila sa isat-isa?
@danila117:si Kaizer tulog, hindi nakasali hahaha!
Marami pa akong nabasang comments na gano'n. s**t! Sinong may gawa nito. Tumayo ako saka kinuha ang phone. May 3msg calls galing kay Trevon. I dialed his number, na sinagot niya agad.
"Lets talk in our hideout,"' seryosong sabi ni Trevon saka pinatay.
"Kuya saan ka pupunta?".
Hindi ko na sinagot si Sarah. Kinuha ko lang ang jacket saka lumabas sa apartment ko. Sumakay ako sa motor at deretso sa hideout.
_HIDEOUT_
"Damn that bullshit! Vedio!" Bungad kaagad sa akin pagkapasok ko. Nandito na pala sila At kitang kita ko kung paano nawasak ang ipad na nasa sahig.
"Sa palagay ko kagagawan ito ng babaeng nakilala mo Trevon," sabi ni James.
"Sa tingin ko rin," sabi ni Weller na seryosong nag isip.
"Anong ginawa niya saiyo at nakatulog ka? " tanong ni Harold sa akin.
"Sleeping Drugs," sagot ko.
"Ano!" sabay nilang sabi.
"Sinabi niya iyon sa akin bago ako nawalan nang malay," sagot ko at umupo.
"Sa tingin ko sinadya niyang gawin iyon sa atin," mayamaya'y sabi ni Weller.
"Nakakaasar! Kalat na kalat na iyong vedio na iyon! Pag nakita ko iyong babaeng 'yon. Mapapatay ko siya!" galit na sabi ni Trevon.
BOGSSH!
Sinuntok niya ang mesa kaya nasira.
"James, burahin mo iyong vedio at hahanapin natin ang babaeng yun!" Utos niya.
"Nakilala niyo ba?"tanong ko.
Nagkatinginan sila.
"Damn!" sabay nilang sabi.
"s**t! Hindi ko siya halos maaninag iyon, " sabi ni James.
"s**t!" sabay ulit nilang sabi
I sighed.
Kumuha ako ng pencil at bondpaper. Mahilig akong mag drawing at gumawa ng ilang painting. Pumwesto ako sa mesa at nagsimulang mag drawing.
Iyong mukha niya, ang mga mata niya. Her pointed nose, Red cheecks, kissable lips. Red long hair.
Iyan lang ang nagawa ko at pinakita sa kanila.
"Paano natin iyan makikilala?" galit parin na sabi ni Trevon.
"Makikilala ko siya kapag nakita ko siya" seryosong sabi ko.
Natitigan ko siya no'ng gabing iyon kaya makikilala ko siya kapag nakita ko siya ulit.
BLAGGG!
"f**k!" daing ko nang tumama ang likod ko sa cemento.
Papasok na ako sa loob ng bar nang may bumangga sa akin at sa tingin ko lasing siya dahil hindi siya halos makabangon
.
"Oh men! hehehe shory okey!" sabi niya.
Tinulungan ko siyang itayo.
"Are you okay miss?" tanong ko.
Lumayo siya at muntik na namang matumba kong di sya nakahawak sa pader.
"Ako? okay? hahaha!" tumatawa niyang sabi
Baliw ba siya?
"Mula noong umalis siya hindi ako naging okay. Ngayong bumalik siya mas lalong hindi ako naging okay! Taposh!shasabihin mong are you okay? Im not f*****g okay!" sigaw niya.
Eh?
"Ahh miss? Hatid na lang kita saa--uy.!" Agad ko siyang nasalo nang muntik na siyang matumba.
Nakatulog na siya.
Aiiissh May kasama ba ito?
"Miss, Miss!" tawag ko sa kanya.
Tssss nakatulog na nga. Anong nakain nang babaeng ito at naglasing. Tapos wala pang kasama.
Bahala na nga.
"Hmmmm!"
Napatingin ako sa babaeng katabi ko ng umungol siya.
"Terns," sambit niya.
Terns?
"Mis?"
Tinapik ko ang pisngi niya nang dalawang beses at nakita ko ang unti-unti niyang pagdilat.
"Miss?"
Taka kong sabi dahil bigla niya akong tinitigan. Mayamaya,
"Wooah?!"
Napataas ang dalawang kamay ko nang may kinuha siya sa heta niya.
Isang b***l!
"Who are you! And why I'm here!" sabi niya..
Shit!