Maingat ang bawat hakbang ni Selena habang papunta ito sa kaniyang kuwarto. Ayaw niyang makalikha ng ingay na maaaring marinig ni Kiel sa pangambang baka inaabangan siya nito upang kulitin na naman. Una niya kasing madadaanan ang kuwarto nina Kiel bago pa siya dumating sa kaniyang kuwarto. Ang kuwarto kasi ni Kiel ay nasa direksiyon sana papuntang kuwarto rin ng mag-asawang Lemman at si Kiera kung hindi nga lang nagmatigas si Kiel. Noong dumating kasi si Kiel doon ay pinili talaga nito ang kuwartong nasa kabilang pasilyo, at nandoon nga rin ang kaniyang kuwarto. Nakahinga siya nang maluwag nang makarating na siya nang tuluyan sa kaniyang kuwarto. Sa buong araw na iyon ay hindi nangulit o nagtangka si Kiel na kausapin siya at ipinagpapasalamat niya iyon. Iyon nga lang, nalulungkot siya sa

