WALA nang nagawa si Dana ng hawakan siya ni Chassy sa kamay at hinila patungo sa mga kakilala nito na nakasalampak sa buhanginan sa harap ng bonfire. Abala ang mga ito sa kung anong nilalaro ng mga ito. Ang iba naman ay abala sa panunuod sa fire dance at ang iba ay nagsasayawan sa saliw ng tugtugin. Nang gabing iyon ay nasa tabi sila ng dalampasigan. Dinig na dinig nila ang hampas ng alon at ramdam din nila ang malamig na simoy ng hangin na nanunuot sa katawan nila. Nang sumalampak si Chassy sa buhanginan ay sumalampak din siya tabi nito. Mayamaya ay narinig ni Dana na tinanong ni Chassy ang katabi nitong si Yvonne--modelo ito ng Ballesca Modeling Firm. "Anong nilalaro niyo, Yvonne?" "Truth or dare," nakangiting sagot naman nito. Pagkatapos niyon ay ipinaliwanag nito ang mechanics n

