"HI!" Nakangiting bati ni Dana sa secretary ni Franco ng huminto siya sa harap nito "Hi, Ma'am," ganting bati din nito sa kanya ng magtama ang mga mata nila. Nginitian din siya nito. "Dana na lang. Hindi ako sanay na tinatawag na Ma'am," sabi naman niya dito. Nakangiting tumango lang naman ito sa kanya. "Hmm... nandiyan ba si Franco sa loob?" mayamaya ay tanong niya sa pakay niya kung bakit siya nagpunta sa De Asis Empire. Kanina kasi habang nagluluto siya para sana sa lunch niya ay naisipan niyang baunin na lang iyon at pumunta sa opisina ni Franco. Gusto kasi niyang makasabay ito sa pagkain. "Nasa conference si, Sir Franco. May ka-meeting po," sagot nito sa kanya. "Oh," sambit naman niya. "Matagal pa ba ang meeting niya?" mukhang wrong timing siya sa pagpunta niya do'n.

