"BAKA kaya ganoon ang asawa mo Dana dahil ayaw ka niyang nahihirapan," sagot ni Nadine sa kanya matapos niyang i-kwento ang mga nangyari sa kanila ni Franco nitong makalipas na araw. Sinabi din niya dito ang tungkol sa annulment na gusto nito. Sinabi din niya dito na hindi niya iyon pinirmahan dahil ayaw niyang mawala ito sa kanya. Ayaw sana ni Dana na ikwento ang mga iyon dito dahil ayaw niyang pati ito ay mag-alala sa kanya pero sa sandaling iyon ay gusto niyang may makausap, gusto niyang ilabas ang bigat na nararamdaman kasi kung itatago lang niya ang nararamdaman ay lalo lang siyang mahihirapan kaya tinawagan niya ito. Wala naman siyang maisip na tawagan. Hindi naman niya pwedeng tawagan ang mga magulang dahil hanggang ngayon ay hindi pa din alam ng mga ito na nagpakasal siya. Hindi

