Ilang sandali din siyang nanatili sa ganoong posisyon hanggang sa umalis siya mula sa pagkakasandal niya sa hamba ng pinto at humakbang na siya. At gaya na lang kapag mag-isa si Dana ay ginawa na niya ang araw-araw na routine niya. Naglinis siya ng kwarto. Pagkatapos niyang naglinis ay nagpahinga muna siya bago maligo. Lalabas kasi siya para bumili ng gagamitin niya sa pagsu-surprise kay Franco at para na din bumili ng regalo para dito. At noong nagpunta siya sa Mall ay una niyang ginawa ay winithdraw muna niya ang konting pera niya sa ATM. Bibili siya ng pang-surprise niya dito kaya dapat pera niya ang gamitin niya. Iyong pera naman na binibigay nito sa kanya ay nakatago lang iyon sa drawer sa kwarto. Ginagalaw lang niya iyon kapag may kailangan siyang bilhin sa condo. Naghanap si

