"L-lumipat ako dito dahil ayaw kitang hawaan," sagot nito sa kanya. Hindi naman siya nakasalita sa sinabi nito, nakatitig lang siya sa mapupungay na mga mata nito. Dahan-dahan ding nawala ang pagkakakunot ng noo niya habang nakatitig siya dito. Sa halip kasi na sarili nito ang iniisip nito ay ibang tao pa ang inaalala nito. "M-matulog ka na do'n. K-kaya ko na ang sarili ko," sabi nito sa kanya. Pero sa halip na pakinggan ito ay lumapit siya dito. Bahagya siyang yumuko para buhatin na naman ito in bridal position. Walang salitang naglakad siya pabalik sa kwarto nila. Maingat niya itong nilapag sa kama. At akmang bubuka ang bibig nito para magsalita ng samaan niya ito ng tingin. Itinikom naman nito ang bibig. "You rest," sabi niya dito. Akmang tatalikod siya para sana lumabas nang kwar

