Mayamaya ay napatingin siya sa gawi ng pinto nang makita niyang pumasok do'n si Franco. Naglakad naman ito palapit sa kanya. Kinagat naman niya ang ibabang labi nang makitang titig na titig ito sa kanya. Medyo na-conscious siya sa sariling hitsura sa sandaling iyon. Kagigising lang kasi niya at magulo pa ang mahabang buhok dahil hindi pa siya nakakapagsuklay. "How are you feeling?" tanong nito sa kanya. "M-mas okay na ang pakiramdam ko ngayon kaysa kagabi," sagot niya. Tumango-tango naman ito. "Nagbigay si Trevor ng gamot para sa sakit ng ulo mo. Pero kumain ka muna para magkalaman ang sikmura mo," sabi nito sa kanya. "And if you can get up, let's go to the dining area," pagpapatuloy na wika nito. "N-nangluto ka?" hindi niya napigilan itanong dito. "No," mabilis naman nitong sago

