PAGKAALIS ni Franco sa condo para pumasok sa trabaho ay patamad na humakbang si Dana patungo sa sala. Pagkatapos niyon ay ibinagsak niya ang katawan paupo sa sofa. Isinandal niya ang ulo sa headrest niyon at saka niya pinikit ang mga mata. When she woke up this morning, she's not feeling well. Masakit ang ulo niya at pati na din ang buong katawan niya pero pinilit pa din niyang bumangon para pagsilbihan si Franco. Kailangan niyang bumangon ng umaga para ipagluto ito ng agahan. Kahit na masama ang pakiramdam niya ay ginawa pa din niya ang obligasyon niya bilang asawa nito. She cook breakfast for him. She prepare all the things he need before going to work. Iyon nga ang naging routine ni Dana nitong mga nakaraang araw simula noong nanatili siya sa condo ni Franco habang kasama ito. K

