TININGNAN ni Dana ang suot na wristwatch. Hindi niya napigilan ang mapanguso ng halos twenty minutes na siyang naghihintay sa pagdating ni Franco. Sa katunayan nga ay ubos na niya ang meryendang ibinigay sa kanya ni Chassy kanina habang naghihintay siya. Nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga. Pagkatapos niyon ay sumandal siya sa headrest ng sofa at muling naghintay sa pagdating ni Franco. Mayamaya ay narinig niya ang pagbukas ng salaming pinto sa kinaroroonan niyang boutique shop. At nang mapasulyap siya do'n ay nakita niya na si Franco ang pumasok. He still wearing his business suit and right now he looks so dayum hot. Para itong isang modelo na naglalakad sa gitna ng catwalk. And she couldn't explain to herself why she couldn't take her eyes off him. Para kasing may magnetik

