"ARE you done?" Nag-angat si Dana ng tingin patungo sa gawi ng pinto ng marinig niya ang boses na iyon ni Franco. Hindi naman niya napigilan na pasadahan ito ng tingin mula ulo hanggang paa. Right now, he was wearing a color blue floral short and then white v-neck shirt. Nakasuot din ito ng rayban shades. Mukhang ready'ng ready na ito sa pupuntahan nila. And she had to admit, he' s dayum hot with his outfit. Alam mo iyong tipong may isang super hot na model kang kaharap? Iyon 'yong eksaktong nararamdaman ni Dana sa sandaling iyon. Kulang na lang ay matulala siya sa kaharap. Ngayong araw ang birthday ni Chassy. At hindi na siya sinundo ni Chassy gaya ng sinabi nito sa kanya noong tumawag ito ng nakaraang araw dahil isasabay na daw siya ni Franco. Kay Franco na lang daw siya makikisaka

