Seraphine Rose Parang binibiyak ang likod ko at ang sakit-sakit ng dibdib ko. Unting-unting kumukunot ang noo ko at naramdaman ko ang isang braso na nakapulupot sa bewang ko. “Hey, are you okay?” Pagmulat ng mga mata ko ay sumalubong kaagad sa akin si Zachary. Nasa ibabaw niya ko at parang hindi pa siya natutulog. “Natulog ka ba?” “Are you okay?” tanong niya ulit sa akin. Hindi ko alam. Ang sakit-sakit ng likod ko at ng dibdib ko. Para kong magkakaro’n. Minsan ganito ang nararamdaman ko sa tuwing magkakaro’n na ko. “Seraphine?” Dahan-dahan akong bumangon at napaupo sa ibabaw ng tiyan niya. Napahawak ako sa likod kong sobrang sakit at inabot niya naman ang isa kong siko at naupo sa kama. “Hey, Angel. Why? How are you feeling?” “Zach… Ang sakit ng likod ko.” Gusto kong umiyak sa s

