Seraphine Rose Napakagat ako sa ibabang labi ko habang nakatingin sa harapan ng salamin dito sa bathroom namin. Hindi alam kung anong gagawin habang nakatitig sa suot ko. Pumasok ako sa bathroom para maligo kanina at sabi ni Zach na siya na ang maghahanda ng damit ko kaya hindi na ko nag-asikaso ng isusuot ko sa pagtulog tapos hindi ko alam na ito pala ang klase ng damit na ihahanda niya. Hindi niya sinabi sa akin. Alam ba niya na ito ang magiging resulta ng suot ko… It’s a sexy lingerie. Too much for me. Masyadong labas na labas ang maputi kong balat. Mabuti na lang talaga na hindi malamig sa loob ng kwarto dahil sa heater kahit na sobrang lamig talaga sa labas at isa pa si Zach lang ang kasama ko. At hindi rin naman siya papayag na magsuot ako ng ganito kung may kasamang iba. Baka

