Seraphine Rose A week has passed, and Zachary has a five professor for me kaya hindi ko pa rin napapabayaan ang pag-aaral ko. Nakukuha ko pa rin ang units na mga kailangan kong kunin para maka-graduate ako. Ang tungkol naman sa thesis ko, nag-uusap na lang kami ni Tony sa email. Hindi na rin niya sinubukan pang mangulit lalo na’t alam niyang si Zachary ang asawa ko. Naging casual na lang kami sa isa’t isa. Hindi ko rin binanggit kahit kanino sa mga kaibigan ko ang nangyari kung bakit bigla akong tumigil mag-take ng in-person class. Hindi ko sinabi kahit kanino kung ano ang ginawa ng Daddy Winston ko. Basta sinabi ko na lang na mag ho-home school na lang ako. Ayokong malaman pa ng iba at pag-usapan pa ang tungkol sa bagay na ‘yon. Kung pwede ko lang takbuhan ang nakaraan ko, tatakbuhan ko

