Seraphine Rose Nawala ang kaba sa dibdib ko nang makita ko ang malaking ngiti sa Lola ko habang nakaupo siya sa hospital bed at nakasandal ang likod. “Seraphine!” masayang bati nito sa akin. Parang hinaplos ang puso ko at kahit pa paano ay gumaan ang pakiramdam ko matapos namin mag-usap ni Daddy Winston. “Hi…” Lumipat ang mga mata ko kay Lolo na nakatayo sa gilid ng kama at nakangiti rin sa akin. He's not smiling so wide like my grandma, but I can see in his eyes how happy he is. Pakiradam ko rin ay nakikita ko ang Daddy ko sa harapan ko ngayon dahil magkamukhang magkamukha sila. Paano kaya kung kasama ko pa sila Daddy? Ano na kayang itsura niya? Ang mommy ko? Magkamukha kaya kami? Hindi ko na alam dahil kahit kailan ay hindi ko na sila maibabalik pa. “Ibaba niyo na lang ang prutas

