Seraphine Rose “You have been silent since yesterday.” Napatigil ako sa paghalo ng coffee ko at napatingin kay Zach na nakaupo sa tabi ko. Kilalang-kilala niya talaga ko. Tinuloy pa rin namin kagabi ang mga plano ko at pinilit ko pa rin kahit wala na talaga kong kagana-gana dahil sa nangyari kahapon. Hindi ko akalain na sa unang pagkakataon makikita ko ang mga lola’t lolo ko. “I’m sorry.” Binitawan ko ang kutsara ng kape ko at ipinatong ko ang mga palad ko sa ibabaw ng hita ko. Hinawakan ni Zach ang stool na inuupuan ko rito sa harapan ng kitchen island at inikot niya ko paharap sa kanya. “This is still about yesterday, baby?” Dahan-dahan akong tumango sa kanya. Kinuha niya ang dalawang kamay ko at parehas niyang inilapit ito sa mga labi niya. “Tell me, please. Tell me what's b

