Seraphine Rose "Seraphine is not my wife." Xanthos can indeed be playful and, at the same time, so scary in front of cameras. Nakaka-intimidate ang bawat titig niya sa harapan ng mga camera na para bang kausap nito ang mga taong nanonood. Nasa likod niya ang isang private plane at alam ko na ang lugar na ‘yon ay airport. Hindi rin nagtagal dito si Xanthos dahil may laban ito sa Japan para naman sa Japanese grand prix. “So, stop spreading fake news on social media. I don't want my wife to see those. And for people who will not stop posting fake news about my life, I'll file a case against them. Get a life, people, and stop nagging my life and Seraphine's life.” “Xanthos, sino ba si Seraphine? Who is she in your life?” narinig kong tanong pa ng reporter sa kanya. Naramdaman ko ang p

