Seraphine Rose “Zach, bakit tayo nandito sa Tagaytay?” Tinanaw ko ang magandang view mula rito sa veranda ng living area ng rest house niya. Hindi ko alam kung anong mayroon basta pagkatapos ng klase ko, dinala ko rito ni Zachary. Ang tungkol naman sa mga kaibigan ko, sinabi ko na sa kanila ang pagbubuntis ko. Nag-alala lang sila ng kaonti dahil graduating na kami pero sa huli naging okay rin naman ang lahat. Sinabihan ko rin sila na h’wag maingay at malaki naman ang tiwala ko sa mga kaibigan ko. Marami na kaming mga bagay-bagay na sa aming apat lang na kahit kailan hindi nakarating sa ibang tao. “May kailangan na naman ba kong taguan?” tanong ko pa sa kanya at hinarap siya na nakaupo sa tapat ko. “No, wife,” mabilis na sagot niya. Saktong tumunog ang phone niya sa ibabaw ng table s

