Seraphine Rose Napaawang ang labi ko dahil sa sinabi niya na hindi kapanipaniwala. Hindi ko tuloy mapigilan matawa habang seryosong-seryoso naman ang mukha niya. “Zachary, nakalimutan mo na? Negative ang resulta ng pregnancy test…” Pahina nang pahina ang boses ko nang pumasok sa utak ko ang tauhan niya kanina na nagpunta sa taas. Nabanggit niya na dumating na raw ang resulta. Oh, God! Hindi kaya resulta na ‘yon galing sa doctor? Pero paano naman ang pregnancy test? Hindi ba ‘yon totoo? “Zach…” nanghihinang tawag ko sa pangalan niya. Hindi pwede. “I saw the results from your doctor, Seraphine. You are pregnant.” “No,” mabilis na tanggi ko sa kanya at nakita ko ang mabilis na pagdaan ng sakit sa mga mata niya. “Nakita ko, Zachary. Nakita mo rin na negative naman ang pregnancy test

