-Marco- Maging ako ay hindi ko magawang ipaliwanag kung anong klaseng saya ang aking nararamdaman ngayon dahil sa talagang dumating nga si Jewel sa aming kasal at ang mas nakakatuwa ay ung sinabi nito kung gaano ako nito kamahal at wala itong pag-aalinlangan na hilingin nito sa akin na siya na lang ulit ang mahalin ko dahil sa hindi nito kayang mawala ako sa kanyang buhay. Sa sobrang saya ko ay tinawid ko ang pagitan naming dalawa ng sa ganoon ay mayakap ko ito ng mahigpit dahil gusto ko na agad itong mahagkan ng sa ganoon ay maramdaman ko ang init ng katawan nitong nagbibigay naman pag-asa sa akin. Makikita sa mga mata nito ang malaking pagtataka pero nakangiti lang ako dito at hindi ko magawang ialis ang tingin ko dito dahil sa sayang aking nararamdaman na inamin na rin nito sa wakas k

