-Jewel- “Pasensya kana kung naabala ka pa ni Sofia kanina.” Hinging paumanhin sa akin ni Mayor Nicolo Carpio at pinsan ng dalagang si Sofia na kausap ko kanina. Sa katunayan ay nahihiya ako dito dahil ang buong akala ko ay kaptid ito ni Sofia dahil sa pagiging close nilang dalawa. “Wala naman yon, ayos lang sa totoo lang mas maganda kung may masasabihin siya sa mga pinagdadaanan niya dahil kahit papaano ay gumagaan ang bigat na yang iniisip. Saka hayaan mo lang siyang maglilibot kung minsan at huwag mong hahayaan na palagi siyang mag-isa dahil mas matatakot siya kung iisipin niyang wala siyang pwdeng makasama sa laban na meron siya ngayon.” Paliwanag ko dito at saka tumingin sa mga mata nitong puno ng pag-aalala sa pinsan. “Sa ngayon hinahayaan na lang muna namin siyang maglilibot dito

