-Jewel- Madilim ang kuwarto at ayoko pa sanag bumangon dahil alam kong iiyak naman ako sa tuwing maiisip kong mag-isa na talaga ako sa buhay, nawala ang mga magulang ko ng dahil na rin sa kagagawan ng sarili kong ama. Ngayon mamumuhay ako na parang ibang tao sa paningin ng iba dahil sa mga nangyari sa akin hanggang ngayon ay masakit pa rin ang lahat, ang hirap isipin na kaya nila akong saktan ng ganoon kadali. Si Papa na dapat ang unang ng proprotekta sa akin bilang ama ko ay siya pang unang gumawa sa akin ng pinakamasakit na bagay, nasira ang pamilya namin ng dahil sa kanya at ngayon naman ang lalaking mahal ko ay nagawa akong lokohin. Mas double pa ang sakit ngayon ito pa mismo ang kumitil sa buhay ng aking ama, alam kong masama ang ginawa ni Papa pero mas ok pa rin sa akin na pagbayara

