-Marco- Nanginginig ang buong katawan ko at hindi rin ako mapakali at halos wala akong magawa habang nasa loob ng delivery room ang aking asawa nanganganak na ito ngayon at hindi ko alam kung ano ang pwde kong gawin habang nahihirapan itong ilabas ang aming anak. Naiinip na rin ako dahil sa halos dalawang oras na rin itong nasa loob at wala akong makitang doctor nito para sana makausap ko tungkol sa kondisyon nito sa loob, tinawagan ko na rin sila Mommy at Daddy na ngayon ay nasa New Zealand dahil sa gusto lang ni Daddy na masolo si Mommy, ayaw pa nga ni Mommy sumama dito dahil sa malapit na rin manganak si Jewel pero ginamit ni Daddy ang hidden talent nito kay Mommy kaya naman natuloy na muna silang umalis. Pero two days palang wala ang mga ito ay tinawagan ko na rin dahil nanganganak

