chapter 1:

1691 Words
"There you are!" Nakangisi si Phineas habang nakatingin sa iritableng si Ron, may binabasa itong libro. "Ang kulit mo."  wala sa mood na sagot nito,  hindi man lang  siya tinatapunan ng tingin. "Matagal na po," ngumuso siya sa kababata. Mula noon hanggang ngayon masaya siya kapag kasama niya ang kaharap. Sabi nga noong mommy niya, noong mga baby daw sila, gumagapang siya papunta rito...iiwanan sila sa isang playpen tapos excited daw siyang lalapit dito. Buwan lang kasi ang pagitan ng edad nila. Which is a very good thing, lagi silang magkaklase...kahit sobrang talino nito, na chachallenge tuloy siyang mag-aral para hindi mawala sa ranking at para patuloy na nasa isang section sila ni Ron. Naupo siya sa tapat ng bintana na inuupuan nito. Natagpuan niya ito sa likod bahay, sa may garden ng mga Romualdez, mahilig kasing mapag- isa si Ron, libro lamang ang kasama , solve na ang buhay nito. Minsan nga nalilimutan nitong kumain, kaya kahit nasa bahay siya nila, tumatawag siya sa bahay ng mga Romualdez para lamang itanong kung kumain na ba ito. Kukulitin niya ang mga ka close niyang kasambahay para lamang pilitin na panoorin na kumain si Ron, kapag hindi ito nakinig, tatakutin niya ito na pupunta siya para siya ang magsubo sa kababata.. Hindi naman kasi ito nagrereply o sumasagot sa tawag niya. Hindi rin ito sumasagot sa unregistered calls kaya hindi niya magamit ang number ng iba. Sometimes, kapag desperate na siya, she will used her parents phone just to speak to him. Pero waley, baba agad oras na malaman na siya pala iyong nasa kabilang linya. Wala, suplado talaga. "Di mo ba ko na miss. One week kami sa Japan." Nagniningning ang mata nya rito, reward yun ng dad niya sa successful event ng mommy niya kaya sila nagbakasyon sa Japan. Super enjoy ang mga kapatid niya pero siya gustong -gustong umuwi. "Hindi."sinulyapan lamang siya nito. "Eh, ayaw niyang umamin," panunukso siya dito. Tinatapik tapik niya ang isang tuhod nito na nakataas. Hinawi naman nito ang kanyang kamay. Umirap ito. Natawa naman siya kapag umiirap ito. Mas maarte pa sa kanya. "May bago akong sauladong kanta." Excited niyang kwento. Syempre susulitin niya na medyo mabait ito sa kanya. Behave si Ron, nakakatuwa. Hindi to the highest level ang kasupladuhan, sakto lang. "Not interested." Pambabalewala nito. Siya naman ay sinampa na ang dalawang paa, binangga niya ang dalawang tuhod sa tuhod nito. Sabi nga ng Yaya Ganda niya, ang aga niya raw kumerengkeng. Pero imbes na maiinis siya,kinikilig pa siya sa sinasabi nito. Iyon na kasi ang yaya niya simula noong 7 years old siya, ngayong 12 na siya ito pa rin, kaya naman kilalang kilala na siya nito. Ito nga ang lagi niyang kasama kapag gusto niyang sundan si Ron, hindi naman kasi siya hahayaan na umalis mag-isa. Kailangan niya lagi ng kasama maging sa kanyang mga kabaliwan. Nagtatalo nga lamang sila kapag pinipilit nito na crush niya lamang si Ron na mawawala din yun. Pero hindi, love niya si Ron, kasi hindi siya magseselos sa mga babaeng nagpapapansin din dito...isa na si Nicole, yung top 2 sa kanilang klase, pati si Patrice yung Top 3, yung top 4 na si Jerna, pati yung top 5 na si Diego. Nakakainis din dahil nakikita din ng mga ito ang bagay na nagustuha niya kay Ron. Matalino kasi si Ron, sisiw dito lahat ng mga Math problems, pati laging perfect sa mga exam. Lamang siya dahil malaya siyang nakakapasok sa mansion ng mga to. Swerte talaga at bestfriend ng daddy niya ang mommy ni Ron. Ang maganda lamang fair si Ron, minsan may mga babaeng nagpapaturo dito, pero nagpapansin lang pala, ang isasagot ni Ron. "You're in school, I'm just your classmate, not your teacher, so why will I teach you?" Then he will walk out. Napapalakpak siya pag ganoon, ang cool talaga ng loves niya. Siya nga nag -aaral nang mabuti tapos sila dadamoves lang? Pero sorry sila...si Ron yun, ipinanganak na suplado. Whether they love it? Oh she loves it! "Kanta na ko." Nag fake cough pa siya, narinig niya ito sa eroplano.Japanese song, na LSS niya, napanood niya ito sa movie na ang title ay KOIZORA , or Sky of Love, maganda pero malungkot ang ending ng movie but still...nag hum lang siya sa una. Nakuha naman niya ang atensyon nito. Nakatingin na ito sa kanya, siya naman ay nalulunod sa mga mata nito, habang parang tanga na ngumingiti, sinisikap na wag mawala sa tono. Hmmmmmmm You will always gonna be my love Itsuka..dare kato mata koini utsitemo.. Hmmmm you told me how. "Puro hmmm lang, I don't understand anything." Reklamo nito, binaba na ng tuhod, nakataglid na ito sa kanya. Siya naman ay umusog palapit dito. She giggles at their closeness. "The song title is First Love, you are my first love, tapos hanggang forever na 'yun kapag nagpakasal na tayo at nagkaroon ng mga babies, what do you think?" Piniling niya ang ulo palapit dito. Wala tong reaction, he didn't find it amusing or cute. "Your love is nonsense, we're just twelve." Diin nito sa kanilang edad. "Eh, kahit na ba! Ikaw sino First love mo? Ako rin ba?" Mas nilapit niya ang mukha niya rito. Lumingon ito, inangat ang hintuturo palapit sa kanyang noo. Tinulak noon ang kanyang noo palayo. "Of course not, It's not you." Ouch. Hindi niya tinago ang sakit. Talaga ipinakita niya na malungkot sya sa kanyang narinig. "Sino? Who is that girl?" So i can ask her to stay away. Tumayo naman ito, umalis dala ang libro. Nalimutan nga nito yung tatlong paper bag na dala niya na bitbit niyang pasalubong. Yung mga kapatid nito tigiisa lang, pero dito tatlo para I Love you, pero iniwan naman. Hindi man lang dinala, hindi man , pinansin. "Ron, wait your pasalubong!" Bumaba siya para kunin ang mga yun, susundan niya si Ron, tumawid ito sa mahabang garden, tapos pumasok sa loob ng mansion, umakyat sa hagdanan, ni hindi man lang nito nagawang lumingon sa kanya. Mukhang masasayang ang kanyang effort, hindi pa nga siya masyadong nakapagpahinga dahil dito na agad siya tumuloy tapos , hindi pa rin siya papansinin. Bago nito masara ang pinto ng kwarto nito ay nakapasok na siya, inis na inis ito, pero di naman siya tinaboy. Matalim lamang itong nakatingin. Sanay naman na rin kasi ito sa pagpasok niya. "Iniwan mo kasi pasalubong mo, hindi mo man lang tinignan...Nandiyan kaya yung Book ng Detective Conan na gusto mo, surprise sana eh, kaya lang sinabi ko na." Napalingon naman ito aa paper bag na hawak. She knew it, interesado na ito. "Put in there and leave.  I will sleep." Taboy nito, pero kailangan niyang malaman kung sino ang first love nito. Dapat niyang malaman ang karibal niya. "Sino siya? Tell me the name of your first love?" "No." Magsasalita sana si Phin ng mag ring ang kanyang phone. Si Emma, her friend. "Hello, oo nakabalik na, oo meron syempre... oo gagawin ko yun tapos ibigay ko na sa'yo. No problem." Kaibigan niya yun sa Emma, may paaalubong din siya dito, may binigay itong design ng shoes, siya ang gagawa noon sa company tapos ibibigay niya dito. Ginagawa niya yun as token sa kanyang mga kaibigan. Walang bayad na kung ano, marami siyang friends na popular sa school because of that. She knows how to give and share. "Ron?" Iritableng tumayo ito at binuksan ang pinto. So wide, asking her to leave. "You're busy, you should go." Utos nito. She looked at the open door. "Ron, sino kasi first love mo. Let me know, please, di ako makakatulog nito." She tried not to cry, sana hindi na lang niya kinanta yun, sana wala na lamang siyang nalaman...pero paano naman kung hindi? She will be clueless forever. Umiwas ito ng tingin. Laglag ang braso, wala siyang choice kung hindi umalis. Pabagsak na sumara iyon. "Alaga bakit ka naiyak?" Sinalubong siya ng kanyang yaya, umiling siya at sumakay sa kotse. "Inaway ka ni suplado boy?" Yumakap siya rito... "Sabi niya may first love siya, ayaw niyang sabihin kung sino..." Hanggang sa gabi iyon ang kanyang himutok, iyak siya ng iyak at hindi kumain. Dahilan kung bakit sumakit ang lalamunan niya at sinipon kinagabihan. Dinapuan na siya ng pagod, katabi niya pa rin ang kanyang yaya ganda. Pumasok ang kanyang mommy , ito ang nagcheck ng body temperature niya. Nagsisi ito dahil napagod daw siya sa byahe kaya siya nagkasakit, pero nagsumbong ang kanyang yaya ng dahilan kung bakit siya nagkaganoon.  Napailing lamang ito. "Kumain ka na, kahit konti, dadating na ang daddy mo," malambing na sabi nito habang hinihimas ang ulo. Hawak niya ang cellphone. Di nagreply si Ron, kinukulit niya pa rin ito pero wala pa rin. Di pa rin sinasagot kung sino. "Wala akong gana mommy," Tumayo ito, maya- maya may narinig siyang kausap nito. Patay baka yung daddy niya. "Yes, please tell her to eat, may lagnat siya." Nahihiyang inabot niya ang phone. Lagot siya sa dad niya. "Phin." Nagulat siya sa boses na narinig, tinignan niya ang number, hindi pala ang daddy niya ang tinawagan ng mommy niya, iba ang nasa kabilang linya. Muli niyang nilapit ang cellphone sa tainga. "Ron?" Minamalat na tawag niya rito, rinig niya ang malalim na buntunghininga nito sa kabilang linya. Naabala siguro ito sa ginagawa, but she wants to hear his voice. "You should eat."utos nito. Naalala niya ang kanina.She badly wants to know. Naiiyak na naman siya na may nakauna na pala sa kanya...but she's determine to be his one and only love. "Sino yung FL mo?" Tanong niya habang nahihiyang nakatingin sa mommy niya na  nakamasid. "FL? " "First love , yung kanina sino kasi sya," usisa nya habnag naiiyak na naman . Napasinghot siya para magpigil ng luha. "Silly, I'm talking about my mother of course." Sagot nito. Unti-unting sumilay ang ngiti sa kanyang labi. Nakalimutan niya. Ganito nga pala si Ron. Nagpaalam na siya rito. Nahihiyang binigay niya ang phone sa kanyang mommy, nangingiti ito, dahil naka smile na siya. "I will eat." Sabi niya sa kanyang yaya na agad pinuwesto ang pagkain sa kanyang harapan. Gagaling na siya bukas. ...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD