CHAPTER 9

2338 Words
#CHAPTER09 Pinihit ko ang pinto para makalabas na ako ng kuwarto. Kakagising ko lang. Nag-unat ako saka napatingin sa pinto kung nasaan ang kuwarto ni Dr. Zalanueva. Napaisip ako kung tulog pa ba siya sa mga oras na ito. Biglang may nairnig akong tunog mula sa baba na pumukaw sa aking atensyon. Bahagyang umawang ang aking bibig at sumagi sa aking isipan na baka mali ang hinala ko na tulog pa siya. Siguro ay gising na siya kaya naisipan ko nang humakbang na sa mga baitang ng hagdan para makababa na may halong pag-iingat. Humawak ako nang mabuti sa railings ng hagdan na yari sa kahoy hanggang sa narating ko na ang unang palapag ng bahay na ito. Nakasuot pa ako ng pajama pero nakabalot sa upper body ko ang balabal na dala ko. Inaasahan ko kasi na mas malamig dito at tama nga ang hinala ko. Good thing talaga dala ko ito. Palapit ako sa Kusina para salubungin si Dr. Zalanueva pero natigilan ako nang makita ko na may lumabas doon na isang babae na tingin ko ay mas bata pa sa akin. I think she's college or a senior high school student. Humarap siya sa akin na may dala siyang mangkok. Tulad ko ay natigilan at medyo nagulat siya nang makita niya ako. "Gising na po pala kayo." nakangiting bati niya sa akin. Inilapag niya muna sa sink ang hawak niyang mangkok saka lumapit sa akin. "May kailangan po ba kayo, Ma'm Chalize? Tama po ba?"s Ibinuka ko ang aking bibig. "Ikaw...?" Ipinadikit niya ang kaniyang mga palad saka bahagyang yumuko siya sa akin. "Ako po pala si Marisa, ako po ang makakasama ninyo habang nasa trabaho po si Sir. Galing pa po akong Maynila, sa totoo lang po ay ipinatawag niya ako mula sa Manor Principal de Zalanueva." magiliw niyang pagpapaliwanag. Tumalikwas ang mga kilay ko. Tila naguguluhan sa kaniyang sinasabi. "Manor principal de Zalanueva...?" ulit ko pa. Ibinuka niya ang kaniyang bibig, tila napagtanto niya na wala akong naiitindihan sa kaniyang sinasabi. "A-ah... Ibig ko pong sabihin... Isa po talaga ako sa mga kasambahay ng pamilyang Zalanueva... Ganoon po ang nanay ko." Dahan-dahan akong tumango, para bang naiitindihan ko na ang ibig niyang ipahiwatig. "A-ahh... So, galing ka pa palang Maynila... Saan pala sa Maynila?" "Sa... Presello po... Ayala, Alabang po." Muli na naman akong natigilan. Napalunok ako nang marinig ko ang lugar na 'yon. Nawindang lang ako nang malaman ko na doon pala nakatira si Dr. Zalanueva. Pero bukod pa doon, may kilala din ako na nakatira doon---ang tao na nakasama komula sa nakaraan. Ang lugar ng tunay kong pagkatao. "Ma'm?" tawag niya sa akin na may halong pag-aalala. Nanumbalik ang ulirat ko. Muli akong tumingin sa kaniya. "Don't mind me. Parang narinig ko na kasi ang pangalan ng lugar." iginala ko ang aking paningin sa buong Kusina. Ibinalik ko kay Marisa ang aking tingin. "Mukhang nagluluto ka na, tulungan na kita, ha?" saka dinaluhan ko na ang sink. "N-naku, ma'm... Baka pagalitan ako ni Sir---" "Mas mabobored lang ako kapag hindi ako nagalaw." malumanay kong sambit. Bumagsak ang mga balikat niya sa mga sinabi ko. Mukhang suko na siya sa pangungulit ko. Ginawaran ko siya ng isang ngiti saka nag-umpisa na akong kumilos. Sa pamamagitan nito, siguro naman ay madadrivert ko na ang sarili ko mula sa pag-iisip at alisin ko muna sa alaala ko ang tungkol sa nakaraan. Spanish breakfast casserole with eggs and bacon ang niluto ni Marisa, samantala naman ako ay mga sandwich lang. Sa totoo lang wala akong ideya kung ano bang madalas na kinakain ni Dr. Zalanueva dahil ngayon ko lang siya makakasama sa iisang bubong. Kumbaga, nangangapa pa ako. Kahit ganoon ay nagpaturo ako kay Marisa kung papaano gawin ang mga recipe na madalas na inihahanda sa kaniya. Dahil sa pagiging abala namin dito sa Kusina ay nakaligtaan ko nang itanong kung saan pala nagpunta si doc. Pagkatapos amin magluto ay ako na ang nagprisintang maglagay ng mga pinggan at mga kurbyertos sa dining table para makakain na din kami. "Ay!" bulalas ko bigla sa kawalan nang matapos ko nang gawin ang mga dapat gawin. "Bakit po, Ma'm Charlize?" Napatutop ako ng bibig saka humarap sa kaniya. "Nakalimutan kong pakainin si Anjo ngayon." sabi ko. Pupuntahan ko sana ang ref para paghandaan ang alaga ko ng pagkain. "Ah, 'yung tuta po ba? Okay na po, Ma'm. Napakain ko na po siya bago po kayo bumaba." nakangiti niyang sabi. Binigyan ko siya ng hindi makapaniwalang tingin. Hindi ko inaasahan 'yon. Ganito ba talaga ang mga maid ng mga Zalanueva? Masyadong realiable. Kahit wala pa akong sinasabi, alam na nila kung anong gagawin. Sabagay, ilang taon na din na inaasahan ko lang ay ang sarili ko. Na ako ang gumawa lahat para kay Edwin. Ginawa ko ang lahat para punan ng lahat ng pangangailangan niya. Kahit na hindi na siya naging mabuting asawa para sa akin. "Oh, you're up." Sabay kaming napatingin ni Marisa sa pinanggalingan ng boses na 'yon. Tumambad sa amin si doc na nakaitim na running pants, maski ang running hoodie ay itim din. Ang tanging puti lang sa kaniyang kasuotan ay ang running shoes niya. Rinig ko ang pagbati ni Marisa sa kaniya saka lumayo muna para bang binigyan niya muna kami ng espasyo. Lumapit sa akin si Dr. Zalanueva habang tinatanggal niya ang nakakabit na airpods sa magkabilang tainga niya. "Good morning." nakangiting bati niya sa akin. "G-good morning din." saka yumuko ako. "Doc---W-Westin pala..." bigla ako dinapuan ng hiya nang banggitin ko ang kaniyang given name. I heard his chuckled and he gently pat my head. "It's okay. Masasanay ka din." aniya. Tumingala ako sa kaniya na may kuryusidad sa aking mukha. "Saan ka pala galing...?" "Nagjogging lang ako saglit sa labas. Hindi na kita ginising para makapagrelax ka." lumihis ang tingin niya sa aking likuran. "Oh, tamang-tama, gutom na ako. Let's eat." "Tawagin ko lang si Marisa..." akmang pupuntahan ko na ito pero pinigilan niya ako sa pamamagitan ng paghawak niya sa aking kamay. "She can eat after we eat." malumanay niyang sabi. Nanatili akong nakatingin sa kaniya. Hindi ko mapigilan ang sarili kong paningkitan siya ng mata. He sounds something authorize within hise voice. Ganoon ba talaga ang isang Zalanueva? Pakiramdam ko ay higit pa sa mga naikwento niya sa akin noon kung ano ang napapansin ko. More like, he's one of the main asset or importat person in their family. I feels like he's not only a son of a business tycoon. "Charlize?" tawag niya sa akin marahan niyang akong hinila palapit sa kaniya. Nanigas ako nang maramdaman ko na ang mga bisig niya na nakapulupot na sa aking bewang. "May problema ba? Inaatake ka na naman ba?" masuyo niyang tanong. Lumunok ako saka mabilis na umiling. "W-wala naman." sagot ko. Kusang sumunod ang katawan ko sa gustuhin niya. Tuluan niya akong nahatak patungo sa mesa. Hinila niya ang isang silya at inalalayan niya akong umupo doon saka lumipat naman siya sa tapat ko at umupo na din. Nagdasal muna kami bago kumain. Habang nakain kami ay nagnanakaw ako ng sulyap. Marami akong gustong tanungin sa kaniya pero hindi ko magawa. Pakiramdam ko ay may bato na nakabara sa aking lalamunan. "Charlize," tawag niya sa akin. "Parang may gusto kang tanungin. Okay lang naman sa akin." Kumurap ako ng dalawang beses bago ako nagsalita. "O-okay lang ba talaga?" nag-aalangan kong tanong. "Oo naman, kahit ano pwede mo itanong sa akin. I just noticed you look bothered. I won't mind whatever you wanted to ask." Dumapo ang tingin ko plato may kakarampot pagkain na nasa aking harap. "Nagkwentuhan lang kami saglit ni Marisa. Nabanggit niya sa akin tungkol sa manor principal ng mga Zalanueva at kung saan ang lokasyo." tumigil ako sa pagsasalita. Ibinalik ko sa kaniya ang aking tingin. I saw how he already clasp his hands and he give me a serious look. He seems interested for what I have said. "Then?" Ibinuka ko ang aking bibig upang muli magsalita. "I just remembered something." saka pilit akong ngumiti. "Don't mind me. Pasensya na, nagiging weird lang ako minsan." nagpakawala din ako ng pekeng tawa. Ipinagpatuloy ko ang kinain ko pero napansin ko ang pagiging tahimik ni Dr. Zalanueva. Dahil tapos na kami kumain ay si Marisa naman ang kakain. Parang hinihintay niya lang na matapos kami. I feel bad for her. Gustong-gusto ko talaga na makasabay siya sa pagkain pero dahil hindi naman ako nagmamay-ari ng bahay na ito ay wala din ako magagawa. Nagpasya akong lumabas at maglakad para magpababa ng kinain. Isinama ko na din si Anjo. May natanaw akong bench sa hindi kalayuan. Nilapitan ko 'yon saka umupo. Ibinaba ko na din si Anjo para makapaglakad-laka d o hindi kaya makapaglaro siya tutal naman ay malapad naman ang bakuran ng bahay na ito. Walang pagbabahala kong isinandal ang aking likod sa bench. Inayos ko nang mabuti ang aking balabal pero hindi 'yon hadlang para maramdaman ko ang malamig na hangin sa paligid. Gayumpaman, maganda ang arar ngayon. Mas gumaan ang pakiramdam ko ngayon hindi tulad nang nasa unit ako na daig ko pang pasan ko ang mundo dahil sa problema, pagiging emosyonal at tinatamaan na ako ng pagiging histerikal sa tuwing naiisip ko si Edwin. ** Dahil nasa Ospital ngayon si Dr. Zalanueva, naisipan kong gumalaw dito sa loob ng bahay. Habang abala si Marisa sa paglilinis, naisipan ko namang puntahan ang storage room na nasa labas ng bahay. Napag-usapan kasi namin ni doc na mag-aayos na kami ng Christmas tree saka mga chirstmas decorate na ilalagay sa labas ng bahay niya. Hindi na ako nagpatulong kay Marisa dahil ayaw ko siyang maistorbo. Hindi naman kalayuan ang bogeda mula sa bahay. Naglakad ako patungo doon hanggang sa tagumpay akong nakapasok. Kinapa ko ang pader, nagbabakasaling makapa ko ang swicth at hindi naman ako nabigo. Tumambad sa akin ang mga kahon na nasa sahig. Good thing is, hindi madami ang mga kahon na naririto. Madali nalang hanapin kung nasaan sa mga kahon na 'yon ang mga gagamitin sa pangdekorasyon pati ang bubuohing christmas tree. Kailangan ko na siyang ilabas bago man makauwi si doc. Sa tingin ko kasi ay hassle pa para sa kaniya kung hahanapin pa niya. Isa-isa kong binuksan ang mga kahon. Sinusuri ko ang bawat isa hanggang sa makuha ko na ang hinahanap ko. Binuksan ko ang medyo malaking kahon na nasa ibaba ng bintana ng storage room. Binuksan ko 'yon. Natigilan ako nang makita ko ang nilalaman n'on. May mga medalya pati na din ng mga trophy. Nabasa ko ang pangalan ni Dr. Zalanueva na nakaukit sa mga kahoy. Puro napanalunan niya sa mga quiz bee, lokal o oversea pa man. Pero ang mas pumukaw ng aking mga mata ay ang mga picture frame. Hindi ko alam pero mukhang may nag-udyok sa akin para tingnan ang mga 'yon. Kumunot ang noo ko nang makita ko ang isang class picture. Pinag-aralan ko ang mga mukha ng mga estudyante na nasa litrato hanggang sa tila nabato ako nang makita ko ang mukha ko nang nasa high school palang ako. "Ma'm Charlize?" rinig kong tawag ni Marisa. Pero mas focus ako sa tinitingnan ko. Iniisa-isa ko nag mukha ng mga naging kaklase ko parang may hinahanap ako pero naputol lamang 'yon nang bigla na naman nasakit ang aking sikmura, napasapo ako sa aking ulo dahil nakakaramdam ako ng pagkahilo. Napangiwi ako sa sakit. Pumikiit ako nang mariin. Nilalaban ko ang panlalabo ng aking mga mata. Hangga't kaya ko pa ay pilit kong lumabas pero bigo ako. Bago ko man maabutan ang pinto ng storage room ay doon na bumigay ang aking katawan hanggang sa humandusay na ako sa sahig. Ramdam ko na pinagpapawisan na ako ng malamig. "Ma'm Charlize---Ay naku po, Ma'm Charlize!" rinig ko ang boses ni Maris, bakas sa boses niya ang pagkataranta. Siguro ay nakita niya ang estado ko ngayon. "Diyos ko, tulungan ninyo po si Ma'm Charlize!" Halos hindi ko na magalaw ang aking katawan dahil sa panghihina. Dahan-dahan kong ipinipikit ang aking mga mata hanggan unti-unti nang hinahatak ang aking kamalayan... ** Dahan-dahan kong idinilat ang aking mga mata. Sa una ay malabo ang aking nakikita pero sa huli ay unti-unti na naaninag ang kisame. Marahan kong itinagilid ang aking ulo. Namataan ko si Dr. Zalanueva na nakaupo sa single couch ng silid na ito. Nakadekuwatro siya ng upo habang may hawak siyang mga papel. Seryoso niyang binabasa ang mga ito. Marahan akong kumurap pero nanatili akong nakatingin sa kaniya. "D-Doc..." pilit pero halos paungol kong tawag sa kaniya. Agad siyang tumingin sa aking gawi. Hindi makapaniwala siyang tumingin sa akin. Mabilis siyang tumayo para daluhan ako, wala siyang pakialam kung nahulog na ang mga papel na kanina niyang binabasa. Marahang ikinulong ng mga palad niya ang isang kamay ko. Pero nararamdaman ko ang bahagyang panginginig ng mga kamay niya. "Ano nang nararamdaman mo ngayon?" Huminga ako nang malalim bago ako nagsalita. "Nasa gitna ka pa ng trabaho mo... Doc..." "That 's not what important for now, Charlize." he said weakly. Hinalikan niya ang likod ng aking palad. "You scared me..." Nanatili akong nakatingin sa kaniya. Bakas talaga sa mukha niya ang takot. Takot na mawala ako sa kaniya. Na baka isang araw ay tuluyan na akong mawawala sa kaniya kahit na alam ko sa sarili ko na doon din ako hahantong. "I'm sorry..." mahina kong sabi. "You don't have to say sorry. It's my fault... Kung pinaaga ko lang ang pagfile ko ng leave, mas mababantayan kita." "Doc..." "Yes, Charlize?" "Gusto kong umuwi..." Nanigas siya sa posisyon niya nang sambitin ko ang mga bagay na 'yon. "Charlize..." "I want to go home... I want to see his face...Whether I can suvive or not." Natahimik siya. Umukit ang alangan at kalungkutan sa kaniyang mukha na dahilan para maramdaman ko ang pagpiga ng aking puso. "G-gusto kong... Makita siya... At sabihin ko sa kaniya na... Mahal na mahal ko siya..." lumihis na ang aking mga luha mula sa aking mga mata. "Charlize..." "I want to see my dad so bad, Westin..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD