#CHAPTER06
Nang marinig ko ang mga bagay na 'yon mula kay doc ay kusa kong idinapo ang aking mga palad sa kaniyang dibdib. Dahan-dahan ko siya itinulak palayo sa akin. Alam kong nagtataka siya sa ginawa ko pero 'yon lang ang tanging naisip kong paraan para magbago man lang ang mood sa pagitan naming dalawa. Mukhang nakiramdam naman siya sa ibig ko ipahiwatig. Mukhang natauhan nga siya dahil agad niya din inilayo ang sarili niya sa akin, nahihiya siyang tumalikod saka hinawakan ang kaniyang batok. Inilapat ko ang mga labi ko para mapigilan ang sarili kong matawa.
"S-sorry." sunod niyang sinabi. "I was just..."
Tumingin ako sa kaniya. "Okay lang po, doc." agad kong sabi . Humarap siya sa akin na may pagtataka. Ginawaran ko siya nang isang matamis na ngiti. "It's just unexpect to see that side of you. Ganyan ka lang talaga siguro magmahal. Kung wala kang asawa... Kung ganoon, maswerte ang magiging girlfriend mo."
"M-Mrs. Manimtim..."
Umalis ako mula sa pagkaupo ko mula sa patient's bed. "Nga pala, tungkol po pala sa chemotheraphy..."
"Oh, yeah. Right, right." sang-ayon niya. Binuksan na niya ang kurtina saka dinaluhan na namin ang kaniyang desk.
Sinimulan na namin pag-usapan ang tungkol sa isasagawang chemotheraphy para sa akin. Iyon lang at wala nang iba pa. Lahat inalam ko kung sinong papaano at kung gaano ang isasagawa sa akin. Pero bago man 'yon ay binalaan na ako ni doc tungkol sa mga side effects. Aminado akong ginapangan ako ng kaba at takot habang ipinapaliwanag niya sa akin ag mga bagay dapat kong malaman. Pagkatapos namin pag-usapan ang tungkol sa bagay na 'yon ay pumirma na ako ng mga consent papers o ano pa ang mga papel na dapat pirmahan.
"Don't worry, in your entire treatment... I'll be in your side." he give me an assuring statement.
"Salamat po, doc."
Isinandal niya ang kaniyang likod sa sandalan ng swivel chair. Huminga siya nang malalim. Tahimik akong nanonood sa kaniya. Bahagyang iniyuko niya ang kaniyang ulo. Umiba ang ekspresyon ng kaniyang mukha. Mas sumeryoso ang kaniyang mukha na parang bang malalim ang kaniyang iniisip. Hindi ko alam kung man ang kaniyang iniisip, dahil ba sa isasagawang chemotheraphy sa akin o sa ibang bagay pa?
I used to see him genuine smile and jokes after he treated his patients. Pero ngayon, parang ibang tao na siya sa paningin ko. Simulang binanggit ko sa kaniya na sinaktan ako ni Edwin habang kami'y nagtatalo.
Binawi ko ang aking tingin. Tingin ko naman ay may rason naman siya kung bakit siya nagagalit. Dahil natural lang talaga sa kapwa niyang lalaki na hinding-hindi pupwede saktan ang babae. Lihim ako napangiti. Napangiti ako dahil sa sumagi ang kasagutan na 'yon sa aking isipan.
Huminga ako nang malalim saka tumayo na siya naman ang napatingala sa akin. Ngumiti akong bumaling sa kaniya. "Kailangan ko nang umuwi, doc..." paalam ko.
Agad siyang humawaka sa hawakan ng ng swivel chair, akmang tatayo na siya. "I should accompany you---"
"No need, doc. Oras pa po ng trabaho mo, ayoko namang makaistorbo." agad kong pagtatanggi na dahilan para matigilan siya. "And besides, I just wanna take some walk for a while... Before going home, actually."
"But..."
Ngumiti ako. "It's okay, doc. Kapag inatake ako habang papauwi... Isang tawag ko lang siguro sa iyo... Pupuntahan mo naman ako, hindi ba?"
Natigilan siya sa sinabi ko, na parang ngayon niya lang narinig ang mga katagang 'yon. "A-alright..." pagsuko niya. "But please, be careful... Kapag inatake ka ni katiting ng sintomas, please beep me up."
"I will. Don't worry. As my promise, I will call for you."
Nahagip ng aking paningin ang mga kamao niya, nakakuyom ang mga iyon. Para bang labag sa kalooban niya na hindi niya ako masasamahan kung saan man ako pupunta. Pinili ko nalang na hindi na itindihin 'yon. Sa halip ay nagmartsa na ako patungo sa pinto ng kaniyang Opisina at tuluyan nang nakaalis.
**
Nasa loob ng magkabilang bulsa ng jacket ko ang mga kamay ko habang naglalakad ako sa gilid-kalsada hanggang sa narating ko ang Olivarez Plaza. Tulad ng inaasahan ko, maraming tao kahit tanghali palang. Kahit na sa mga ganitong oras ay malamig pa rin.
Iginagala ko ang aking paningin sa paligid. Bahagya akong napangiti. Siguro ay dahil sa matagal na akong hindi nakakalabas tulad nito. Sa ngayon, bahay-ospital na ang routine ko. Minsan kapag nababagot ako ay naggogrocery lang ako nang kaunti para may stocks pa rin sa tuwing nauwi si Edwin kung maiisipan man niya.
Tumigil laman ako sa paglalakad nang tumigil ang mga paa ko sa isang tindahan ng mga bulaklak. Hindi ko alam pero parang nahihipnotismo ako nang makita ko ang mga halaman at bulaklak na nakaladlad ang mga ito sa harap nang naturang tindahan. Sumagi sa isipan ko na may halaman pala sa Master's Bedroom. Ang halaman na binigay sa akin ni Dr. Zalanueva!
Nagpakawala na ako ng hakbang palayo sa Flower Shop. Sa halip ay naisipan ko nang umuwi na. Dinukot ko ang aking cellphone mula sa aking bulsa para tumawag nang uber ay may umagaw ulit ng aking pansin.
Isang kahon.
Nilapitan ko 'yon dahil umahon ang kuryusidad sa aking sistema para makita kung anong nilalaman ng n'on. Hanggang sa tumambad sa akin ang isang natutulog na tuta. It looks like he's a pure white aspin. Umukit ang pagkamangha sa aking mukha. Itinukod ko ang aking mga tuhod saka niyakap ko ang aking mga binti habang pinagmamasdan ko ang tuta.
Sinubukan ko siyang hawakan. Napalitan ng awa ang aking naramdaman nang makita ko na parang naghahabol ng hininga ang tuta na nasa aking harap.
"You must be cold, right?" mahina at malumanay kong sambit kahit na alam kong hindi niya ako maiitindihan.
Wait, nasa kahon siya. Mukhang ipaampon ito nang dating may-ari. Iginala ko ang aking paningin, lahat nang tao sa paligid ko ay abala. Mukhang wala ngang nagmamay-ari. Ibinalik ko ang tingin ko sa tuta. Ngumuso ako saka hinaplos ko ito na dahilan para magising siya. Hindi ko mapigilang mapangiti. Dahil d'yan ay hindi ko mapigilan ang sarili ko na buhatin siya pero ipinagpatuloy ko ang paghaplos sa kaniya.
"What about I'll take you in, you like it?" tanong ko sa kaniya.
I just him moan and I feel he's freezing because of weather temperature. Tumayo na ako habang yakap ko ang aso. Atleast, in this way, I could give him warmth of acceptance.
Tumawag na ako ng uber at umupo muna sa bakanteng bench na malapit lang sa akin habang naghihintay. Iniisip ko na kung anong gagawin ko kapag nakarating na ako unit mamaya.
**
Hindi ko maitanggi ang excitement nang nakarating na ako ng unit. Inilapag ko muna ang tuta sa sahig. Hinahayaan ko lang siyang gumala sa buog sala. Habang ginagawa niya 'yon ay dumiretso ako sa bathroom sa loob ng Master's bedroom para ihanda ang pampaligo niya. Chineck ko din ang tamang temperatura para maayos ang pagpapaligo ko sa kaniya mamaya. After, lumabas ako ng kuwarto para kunin ko na siya.
"Huwag kang matakot, nandito ako..." masayang sabi ko sa kaniya habang buhat-buhat na siya pabalik ng banyo para paliguan ko na siya.
Masaya ko siyang pinapaliguan. I feel ease at this moment. Through this one, my worries about Edwin were lessen while he was away. I don't care if he get angry when he learned that I took a puppy in his territory.
"You feel sad, too, right?" wika ko habang pinapatuyo ko na siya sa pamamagitan ng dryer. "Ako din... Mahirap pero narito ka na, narito ka na din. Hindi na tayo mag-isa." and I gently hug the puppy. Teka, ano pala gender niya? Agad ko siya chineck. Lumapad ang ngiti ko nang makita ko na lalaki siya. "Ano kaya ipapangala ko sa iyo? You're white as pure... Hmmm... Should I call you Anjo? It means angel."
Hindi ko na hinintay na sagutin niya ako. Hindi lang mawala ang ngiti sa aking mga labi. Sunod ko naman ginawa ay inilapag ko muna siya sa sofa . Dinaluhan ko ang Kusina ay kumuha ng gatas mula sa ref. Hinila ko ang kitchen drawer para kumuha nang pinakamaliit na bowl. Naglagay ako nang gatas na madali lang niyang maubos. Bumalik sa Sala na dala ko na ang gatas na inihanda ko para sa kaniya. Binuhat ko ang tuta saka nilagay ko siya sa isang gilid pati na din ang pagkain.
Pinapanood ko siya kung iinomin niya 'yon o hindi. Thankfully, iniinom naman niya 'yon. Tumayo ako at sunod ko naman ginawa ay diligan ang halaman na pinahiram sa akin ni Dr. Zalanueva.
Sakto lang na kakatapos ko lang diligan ito ay rinig ko na tumunog ang aking cellphone . Inilapag ko ang bottle spray sa tabi ng halaman. Nilapitan ko ang cellphone. Bahagyang umawang ang aking bibig nang mabasa ko ang pangalan ng natawag. Blangko ang aking ekspresyon sa aking mukha nang sagutin ko 'yon.
"Hello?"
"Charlize," tawag niya sa akin.
"Hmm? May problema ba, Edwin?"
"Nothing... Wala namang problema. Gusto lang kitang kamustahin. Okay na ba pakiramdam mo? Narito na ako sa Airport. Waiting for the next flight."
Tumango ako kahit hindi niya nakikita 'yon. "I see... Okay na ang pakiramdam ko." kaswal kong sagot.
"I will make this fast so I can get home. May gusto ka bang pasalubong?" sunod niyang tanong.
Ewan ko kung bakit nagiging ganito na siya sa akin ngayon. It's been so long nang gawin niya ang mga bagay na ito. Tila naninibago na ako sa mga ikinikilos at mga sinasabi niya. "N-nothing particular..." sagot ko. "I just want you to be safe."
Pareho kaming blangko. Ramdam ang pagkailang na sa pagitan naming dalawa.
"May... Sasabihin ka pa ba...?" ako naman ang nagtanong.
"W-wala... Sige, ibababa ko na ito." hanggang wala na siya sa linya.
Nang ibinaba ko na ang tawag ay napadungaw ako sa bintana ng kuwarto. Blangko ang ekspresyon sa aking mukha habang nakatingin ako sa kawalan. Kahit ako ay daig ko pa na hindi ko na kilala ang sarili ko. Hindi ko na rin maitindihan ang sarili ko. I was supposed to be happy because I getting his attention again. What I've been hoping for so long.
Pero... Bakit unti-unti na itong naglalaho?
Marahan kong ipinikit ang aking mga mata.
**
Nanghihina kong isinandal ang aking braso sa pader ng hallway ng Ospital. Pinagpapawisan ako nang malamig, I feel exhausted and my visions got blurred. My limbs were feeling heavy. I need chair or something to regain my energy from chemo. Ngumiwi ako at pinilit ko ulit kumilos hangga't sa makakita ako ng mauupuan. Hindi ako pupwedeng umuwi sa ganitong kalagayan.
Halos gumapang na ako sa pader. Kaunti nalang, maaabot ko na ang lobby ng Ospital. Kahit na nanlalabo ang aking paningin ay may naaninag akong bulto ng isang lalaki na makakasalubong ko lang.
Gustuhin ko man humingi ng tulong sa kaniya pero hindi ko magawa. Parang ayaw makisama ang aking lalamunan. Natigilan ako. It seems like my body were reached the limit. Sumuko na ang aking mga binti dahil sa panghihina. Inaasahan ko na tuluyan na akong babagsak sa sahig pero ramdam ko na may sumalong mga braso sa akin. Tiningnan ko kung sino 'yon.
"Mrs. Manimtim..." isang pamilyar na boses ang narinig ko.
"D-doc..." nanghihinang tawag ko sa kaniya. I look at him while my eyes here half-open. "M-masakit..."
"I know." masuyo niyang sabi. "You need to take some rest in my office for a while."
"P-pero..."
Hindi niya ako pinatapos sa pagsasalita dahil madali niyang pinalitan ang posisyon nang pagkahawak niya sa akin. He did a bridal style.
Nakangiti siyang tumingin sa akin. "No buts and excuses, okay?"
"Doc..."
"You still remember what I've told you? I will always by your side." inalis na niya ang tingin niya sa akin. Umusad na siya habang karga niya ako. "Excuse me! Give way! It's an emergency!" malakas na pagkasabi niya na dahilan upang mapatingin ang iilang taon sa amin.
Kahit na nanghihina ako dahil sa treatment ay hindi ko maitago ang hiya sa aking mukha. Nahihiya ako sa anumang iisipin at tingin ng mga tao sa paligid namin.
"Doc?" rinig ko namang tawag sa kaniya ng kaniyang sekretarya.
"Open the door. Hindi muna ako tatanggap ng pasyente. Sabihin mo nasa labas ako ngayon." bilin niya dito.
"O-okay po, doc!" tarantang tugon naman nito sa kaniya.
Nang tumapak na kami sa kaniyang Opisina ay dumiretso kami sa patient's bed. Masuyo niya akong inihiga doon. Binuklat niya ang nakatuping kumot sa aking paanan saka nilagay niya 'yon sa akin.
"Doc..."
"Rest and take your time, Mrs. Manimtim." bilin niya. He gently patted my head. Kita ko kung papaano lumambot ang ekspresyon sa kaniyang mukha. "And I feel assured when you're in my watch. So sleep, hmm?"
Dahil sa sinabi niya, dahan-dahan ko nang ipinikit ang aking mga mata. Until I hear him again.
"It really kills me to see you hurt. I wish I could take your pain away... " mahina niyang sabi, halos pabulong. Masuyo niyang hinaplos ang aking buhok. "Kung inunahan ko lang siya bago mo siya nakilala, kung tinanggap mo ang arrange marriage natin... Kung ako nalang ang pinili mo noon... Kung ako ang nasa lugar niya, sisiguraduhin kong magiging masaya ka at walang pagsisisihan, lalo na't hindi mo mararanasan ang mga ito." hanggang sa dinampian niya ng maliit na halik ang aking buhok. "Kung pupwedeng hilingin ko nalang na.... iwan mo nalang siya at sa akin ka nalang, Charlize. Pwede bang ako nalang ang mahalin mo?"
Doc...
"Sweet dreams, my muse."