NICKIE'S POV
"ITO lang? My goodness Nickie! Ilang buwan mo na 'yang tinatrabaho pero ito lang ang nakuha mong scoop and information?" galit na sigaw ng boss ni Nickie sa kaniya.
"I did my best, sir, but you already knew, na mahirap hukayin ang personal na buhay ni Mr. Martin," nakayukong paliwanag ni Nickie.
"Excuses! Excuses! Wala ka na bang ibang rason kundi 'yan? Kung hindi mo kayang gawin ang pinapagawa ko sa iyo, mas mabuti pang ibigay ko na lang sa iba ang assignment na ito," galit na turan ng boss ni Nickie sa kaniya.
"B-but, sir, I've been working this assignment for five months tapos ibibigay mo sa iba? Unfair naman po 'yon?" reklamo ni Nickie.
"Don't use that tone on me, Nickie, hindi porke malaki ang shares ng ama mo sa kompanya ko ay ganiyan ka na sumagot-sagot, ako pa rin ang boss mo rito." Hinampas ng lalaki ang dalawang palad nito sa lamesa.
Napapikit si Nickie dahil sa ginawa ng boss niya. Halos magkasing-edad lang siya at si Albert Villega, ang kaniyang boss. She's working as a journalist sa isang kilalang TV station sa bansa.
She loves her job as a journalist pero nakapa-toxic ng boss niya. Curious din siya kung bakit ganoon na lang ang kagustuhan ng boss niyang si Albert na halungkatin ang personal na buhay ni Mr. Martin.
Mr. Martin was a former senator, na namatay five years ago, dahil sa isang car accident. At ngayon sa hindi niya malaman na dahilan kung bakit gustong alamin ni Albert ang personal na buhay ng dating senador.
The only information she had... may dalawang apo ang namayapang senador at namatay na rin ang asawa nitong si Esmeralda Martin 3 years ago. Isang babae at isang lalaki ang apo nito at 2 years ago na-involve sa isang car accident ang babaeng apo ng namayapang senador na ikinasawi ng buhay ng asawa ng babaeng apo ni Mr. Razino Sor Clavit Martin.
Nakuha rin niya ang ilang impormasyon sa mga ari-arian ng namayapang senador. Malinis ang record nito at wala siyang nakita o napansin na kahina-hinala.
Hindi rin naman siya satisfied sa nakuha niyang impormasyon pero ano ang gagawin niya sa wala na talaga siyang nahukay sa personal na buhay ng dating senador.
She even hired a private investigator... para mas mapadali ang kaniyang trabaho dahil kung siya lang ang kikilos ay wala siyang makukuha...
Namuhay ng simple ang naturang senador at naka-private ang personal na buhay nito noon.
"I did my best, sir on this assignment but what can I do... kung wala akong nakuhang mas interesanting impormasyon tungkol kay Mr. Martin." Nakipagtitigan si Nickie kay Albert.
"And why are you eager to dig about the personal life of Mr. Martin? He’s dead already, we must respect his memories, he did a lot of good things when he was in the senate house, sir," may pag-uuyam at pagdududang pahayag niya sa kay Albert.
Kahit saang anggulo tingnan... hindi niya talaga ma-gets kung bakit hinahalungkat ni Albert ang buhay ng dating senador.
"Get out, Nickie! Hindi ko kailangan ng empleyadong walang modo kung sumagot-sagot at umaaktong boss!" sigaw ni Albert sa kaniya.
Nagpanting ang tainga niya dahil sa narinig. Nagpipigil lamang siya ng kaniyang galit kay Albert dahil na rin may usapan siya at ng kaniyang ama.
Nagpupuyos ang kaniyang kaloobang lumabas sa opisina ni Albert.
"That b*stard!" inis na sabi niya pagkalabas na pagkalabas niya ng opisina ng lalaki.
Totoong may malaking shares ang kaniyang ama sa TV station na pagmamay-ari ng pamilya ni Albert. But she heard from her father that... malapit na mawala sa mga kamay ng pamilya ni Albert ang naturang TV station.
She's curious also, kung paano nagkaroon ng malaking shares ang kaniyang ama sa TV station... isa lamang simpleng empleyado ang kaniyang ama noon at nakapag-ipon ito. Nasa middle class lamang sila, may maliit na negosyo ang kanilang pamilya at may ilang properties na namana ng kaniyang magulang sa lola at lolo niya.
Until now wala pa rin siyang nakuhang matinong sagot mula sa kaniyang ama.
PAGKALABAS ng TV station ay nagpasya siyang umuwi na lamang sa kaniyang condo at magpalamig ng ulo, kapag ganitong mainit ang kaniyang ulo ay hindi rin siya makausap nang matino.
While driving her secondhand toyota car, tumunog ang message alert tone ng cell phone niya.
Kumunot ang noo niya, 'unregistered' number ang naka-flash sa screen. She immediately open the message.
"Done digging?"
Basa niya sa text.
Hindi siya makapag-reply dahil nagmamaneho siya, ibabalik niya sana sa bulsa ng kaniyang suot na denim jacket ang kaniyang cell phone nang may kasunod pang text na dumating.
"What do you want? Who sent you?"
Basa niya sa kasunod na text.
Tanging ang pamilya niya lang ang may alam ng private number niya at ang dalawa niya g kaibigan na sina Janz, Kylie at Hazel.
Binagalan niya ang pagpatakbo ng kaniyang sasakyan, mabuti na lang at hindi trapik at wala masyadong sasakyan.
She type her reply. "Who are you? What are you talking about?"
When she sent it the message, Nickie reread the first message of the unknown sender.
"Done digging?"
Paulit-ulit na naglalaro ito sa kaniyang isipan habang nagmamaneho patungo sa kaniyang condo.
"Ano'ng klaseng 'digging' ang sinasabi nito?" naitanong ni Nickie sa kaniyang sarili.
Biglang napapreno siya nang naalala ang usapan nila kanina ni Albert. Sa hula niya baka may kinalaman ito sa paghuhukay niya sa buhay ni Mr. Martin.
At ilang araw na rin siyang naguguluhan dahil sa ibinilin ng kaniyang ama sa kaniya.
Lalo na sa sinabi ng kaniyang ama na bitiwan niya ang naturang assignment tungkol kay Mr. Martin may pag-aalala sa boses nito.
Wala rin naman siyang nakuhang impormasyon na ikakatuwa ng boss niya.
Kaya asar na asar at galit na galit sa kaniya si Albert dahil makukuha o mahahanap din sa internet ang ipinasa niyang impormasyon kay Mr. Martin.
NANG naiparada na niya ang kaniyang sasakyan sa parking area ng condo building may dumating na reply galing sa unknown sender. "Stop digging about our life."
Nagitla si Nickie sa nabasa pakiramdam niya parang kaharap niya lang ang nagpapadala ng mensahe sa kaniya. Kahit text lang ang kaniyang nabasa ay ramdam niya ang malakas na dating at otoridad nito, na para bang bawal salungatin at hindi sundin ang sinasabi nito sa kaniya.
Nickie type her reply. "I will stop digging."
Nang nasigurado na nai-send na ni Nickie ang reply niya kaagad din niyang pinatay ang kaniyang cell phone. She wanted to rest and relax her mind.
HABANG nasa loob ng elevator halos sabunutan ni Nickie ang may kahabaang wavy niyang buhok na nakalugay. Kanina pa paulit-ulit na naglalaro sa kaniyang isip ang nabasang mensahe galing sa 'unknown sender’, pakiramdam niya naririnig niya ang maotoridad na boses nito.
Hindi siya sigurado kung pinaglalaruan lamang siya ng kaniyang imahinasyon ni hindi nga siya sigurado kung ano ang gender ng nagpadala ng mensahe, pero malakas ang kaniyang hinala na lalaki iyon.
Ang balak na pagri-relax niya ay hindi na natuloy, naabutan niya ang kaniyang ama na prenteng nakaupo sa kulay itim na sofa niya.
"Papa!" bulalas niya nang nakita ito pagkapasok niya sa kaniyang condo.
"What are you doing here? Akala ko ba nasa bakasyon ka ngayon?" tanong niya sa kaniyang ama.
Tumayo mula sa pagkaupo sa malambot na sofa ang kaniyang ama. Malakas pa rin ang pangangatawan ng kaniyang ama kahit nasa mid-60s na ito.
"I heard about what happened to your assignment, Anak, it's better na bitiwan mo na 'yang assignment mo," sabi ng kaniyang ama si Asixto Nicholas Villaflor.
"Bibitiwan ko na po ang assignment ko na 'yon, wala rin naman akong ma-achieve roon, magsasayang lang ako ng effort at oras," sagot naman niya sa kaniyang ama.
Ang bilis din ng ‘radar’ ng ama niya sa nangyari sa kaniya sa STK. Alam niyang may tainga at mata ang ama niya sa naturang kompanya na pinagtatrabahuhan niya.
Kitang-kita niya kung paano parang nabunutan ng tinik ang mukha ng kaniyang ama.
"Salamat naman at nakikinig ka na ngayon sa sinasabi ko," nakangiting turan ng kaniyang ama.
Iginiya niyang maupo ulit ang kaniyang ama. "Maiba tayo, Papa, kanina ka pa ba rito? Akala ko nasa bakasyon ka? Napaaga ka yata ng uwi?"
Ngumiti ang kaniyang ama. "May aasikasuhin ako na negosyo sa Batangas at Laguna, kaya napaaga ang pag-uwi ko, alam mo naman ako hindi ako mapakali sa iisang lugar."
"Negosyo? What kind of busniess, Papa? Hindi ka ba napapagod? You should rest or relaxing by now, magretiro na kayo," payo niya, sa kaniyang ama.
"Ikaw talagang bata ka, kalabaw lang ang tumatanda, hindi naman ako ang mamahala sa negosyo na aasikasuhin ko, I will just invest at isa pa hindi ko mahihindian ang kaibigan ko," pahayag at katuwiran ng kaniyang ama.
Tumaas ang kilay niya. "Ang kulit mo talaga kahit kailan tapos magtatanong ka pa kung kanino ko namana ang kakulitan at katigasan ko ng ulo?"
Tumawa naman ang kaniyang ama at napailing pa ito. "Ikaw talaga, Nickie... by the way, napag-isipan mo na ba ang sinabi ko sa 'yo?"
"Pinag-iisipan ko pa nang mabuti... hindi ganoon kadali na iwanan ang trabaho ko," pag-amin niya, sa kaniyang ama.
"Pag-isipan mo nang mabuti kung ano ang maging desisyon mo, but I will respect kung ano man ang maging desisyon mo," nakangiting sagot ng kaniyang ama.
Napangiti siya dahil sa sinabi ng kaniyang ama, kaya idol niya ito, marunong rumespeto ang kaniyang ama sa mga bagay na gusto niyang gawin.
Gumanti siya ng pagkayakap sa kaniyang ama, nang bumitiw ng pagkayakap ang ama niyang si Asixto Nicholas Villaflor ay nandilim ang paningin niya.
Unconsiously, ay nagsasalita siya. "Parating na sila... parating na ang sasakop sa sanlibutan... paparating na..."
At unti-unting nawalan siya ng ulirat.
NAGISING siya nang nakarinig ng mahinang pag-uusap ng dalawang tao, pamilyar sa kaniya ang boses ng isa, boses ng kaniyang ama, habang ang isa naman ay boses ng isang lalaki.
"I will inform them right away," sagot ng hindi niya kilalang boses, na kausap ng kaniyang ama.
"Salamat," sagot naman ng kaniyang ama, sa kausap nito.
She decided to open her eyes, napapikit pa siya dahil sa liwanag, nakabukas ang lahat ng ilaw sa kaniyang kuwarto pati na rin ang lampshade. Akmang babangon siya nang napahawak siya sa kumikirot niyang ulo.
"What happened?" naitanong niya, sa kaniyang sarili.
Sumandal muna siya sa headboard ng kaniyang kama at muling ipinikit ang mga mata niya.
Maya-maya lang ay pumasok sa kaniyang kuwarto ang ama niyang si Asixto. Hindi nakasara ang pinto ng kaniyang kuwarto kaya narinig niya kahit papaano ang nag-uusap sa sala. Hindi naman kalakihan itong condo unit niya para hindi marinig ang nag-uusap sa labas ng kaniyang kuwarto.
"Gising ka na pala," puna ng kaniyang ama.
"Sino ang kausap ninyo sa labas, Papa?" usisa niya sa kaniyang ama.
Nahuli niya ang biglang pagkabalisa ng ama niya. "May bisita ba tayo?"
"Remember Henry? Siya ang kausap ko," sagot ng kaniyang ama.
"Henry? Anak ni Manang Fe?" paninigurado ni Nickie.
"Oo, in-offer-an ko siya ng trabaho last month at tumawag kanina, nagkataon na nasa malapit lang siya kaya rito ko na pinapunta," mahabang paliwanag ng kaniyang ama.
"Ah..." sambit niya na halatang hindi kumbinsido sa paliwanag ng kaniyang ama.
Alam niya rin na ramdam ng kaniyang ama na hindi siya naniniwala rito.
Sa pagkatanda niya sa probinsya lumaki ang anak ni Manang Fe na katiwala nila sa bahay. Base sa tono ng pananalita ng narinig niya kanina ay parang foreigner ang kausap ng kaniyag ama. Hindi sa minamaliit niya ang taong lumaki sa probinsiya but her instinct is telling her that her father is lying to her.
"What happened earlier, Papa?" naitanong niya sa ama, pagkatapos ng ilang sandaling katamahimikan na namayani sa kanilang dalawa.
"Nawalan ka ng malay, pinag-alala mo ako nang husto, baka hindi ka na naman kumakain sa tamang oras at nagpapalipas ka na naman ng gutom," sagot ng kaniyang ama si Asixto na may kasama pang sermon.
"I'm sorry, Papa," mahinang sambit niya.
Tama nga naman ang kaniyang ama, palaging nagpapalipas siya ng gutom at kumain ng hindi sa tamang oras.
Lumapit ang kaniyang ama at umupo sa gilid ng kama niya. "Alagaan mo ang sarili mo anak, mahirap magkasakit."
Alanganing ngumiti siya sa kaniyang ama at tumango. Ayaw niyang nag-aalala ang ama niya sa kaniya, hindi rin biro ang pinagdaanan nito para mapalaki siyang maayos at iparamdam sa kanilang magkapatid na ang tunay na pagmamahal ng isang pamilya.